PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nag-harakiri sa puntod ng mga magulang

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi na makayanan ang sakit na polio ng isang lalaki kaya nagdesisyong mag-suicide sa puntod ng kanyang mga magulang sa Manila North Cemetery sa Blumentritt Street, Sta.Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Ito ang dinatnan ng mga rumespondeng sina SPO2 Virgo Villareal at PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section sa loob ng nasabing sementeryo, kung saan nakita sa tabi ng biktimang si Amando Capco, 52, ng Dayang-Dayang St., Maharlika Subdivision, Taytay, Rizal ang jungle knife at dalawang saklay.

Nabatid na nadiskubre ng mga bata ang bangkay ng biktima kaya ipinabatid ito sa caretaker ng sementaryo na si Dick Manahan.

Pinaniniwalaang nagsaksak sa sarili ang biktima at hinihinalang may malaking problema kaya hindi makayanan.

Posibleng dumalaw at nagpaalam sa namayapang mga magulang bago mag-suicide.

Ayon sa mga nakatirang caretaker sa sementeryo, kung dumadalaw ang biktima ay malungkot at mistulang may problema na nananatili ng ilang araw sa puntod bago umuwi.

  • Follow Us: