PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bumaril sa traffic enforcer kinasuhan

MANILA, Philippines - Natimbog at ipinagharap na rin kahapon ng kasong frustrated murder ang driver na bumaril sa isang traffic enforcer ng MMDA na sumita sa kanya sa paglabag sa color coding kamakalawa sa San Juan City.

Kinilala ang suspect na si Edward John Gonzales.

Patuloy namang ginagamot sa Polymedic General Hospital ang biktimang si Larry Fiala, dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa tiyan at kamay.

Sa imbestigasyon ng pu­­lis­ya lumilitaw na ganap na alas-4:00 ng hapon kamakalawa nang parahin at sitahin ng biktima ang suspek sa area ng Santolan brid­ge dahil sa paglabag sa color coding.

Nagalit umano ang suspek sa ginawang paninita ng biktima kaya pinaharurot ng takbo ang kanyang sasakyan na kulay itim na may plakang WMD-505.

Humabol ang biktima hang­gang abutan ang suspek sa Connecticut St., at doon ay galit na galit na bumunot ng baril ang suspek para takutin ang biktima at muling pinatakbo ng mabilis ang kanyang sasakyan.

Muling hinabol ng biktima ang suspek hanggang maabutan sa Florida St., at doon ay tuluyan ng binaril ang biktima na tinamaan sa tiyan at kamay.

Sa tulong naman ng mga nakasaksi sa insidente ay na­dakip ang suspek at isinugod sa pagamutan ang biktima.

  • Follow Us: