PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Taxi hinoldap

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang binata ilang minuto matapos na hol­dapin nito ang isang taxi sa Barangay South Tri­angle, Quezon City ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Norevin Latiban, 22, ng Magsaysay Exten­sion, corner Arellano St., San Bartolome sa natu­rang lunsod.

Siya ay nadakip ng tropa ng Barangay tanod na hiningan ng tulong ng biktimang si Antonio Gavito, 58, may-asawa, taxi driver ng #141 Li­wanag St., Phase 7, Quezon City.

Bago nito, sumakay umano ang suspek sa taxi ng biktima at nag­pahatid sa isang lugar ngunit pagsapit doon ay agad na nagdeklara ito ng holdap.

Nang makuha ang pera ng biktima ay agad na lumabas ito ng taxi papatakas ngunit mabilis namang nakahingi ng tulong ang una sa mga nagpapatrulyang ba­rangay tanod at hinabol ang huli at maaresto.

Hindi naman nabawi ng biktima ang halagang P200 cash na nakuha sa kanya.

Ayon sa biktima, hindi ang halaga ang impor­tante sa kanya kung hindi ang madakip ang suspek at mabigyan ito ng ka­ukulang parusa sa kanyang ginawa.

“Naghahanapbuhay tayo nang marangal tapos siya manghohol­dap, tama lang sa kanya ’yan pagdusahan niya,” sabi pa ng biktima. (Ricky Tulipat)

  • Follow Us: