PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Presyo ng LPG muling bumaba ng 50 sentimos

Muli na namang mararamdaman ngayon ng mga consumers ang rollback ng produk­tong Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos na ihayag ito ng LPG dealers kahapon.

Ang rollback na P.50 o P5.50 kada 11 kg na tangke ng cooking gas ay mararamdaman dakong alas-12:01  ngayong madaling-araw, ikalawang 50 sentimos na pagbaba sa pa­ngako ng LPG Marketers Association (LPGMA) na P2 o P22 kada 11 kg na tangke nito ngayong buwan ng Enero.

Sa kabuuan ay ito na ang ika-anim na rollback na ginawa ng LPGMA mula noong unang buwan ng Disyembre ng nagdaang taon dahil na rin sa pagbaba ng contact price nito sa pandaigdigang pamilihan.

“Bumababa kasi ang presyo sa  world market  at tumatatag ang piso kaya dapat na ibaba rin natin ang halaga ng produkto”,  saad ni  Ty.

Ayon pa sa  LPGMA, na sa kanilang pag­baba ng presyo ay inaasahan papalo na lamang sa P560 hanggang sa P565 kada isang 11 kilograms na tangke ng LPG.

Gayunman sinabi ni Ty  na hindi nila kaagad-agad maibababa ang presyo dahil sa  hindi pa rin nagbababa ng presyo ang mga importers kung kaya’t sila ay nakakaramdam ng pagkalugi subalit inaasahan naman nilang mababawi ito sakaling ibaba na ng mga importers ang presyo.

Samantala nilinaw ni Ty na hindi kasama sa rollback ang presyo ng autogas o LPG fuels na karamihang ginagamit ng mga taxi sa ngayon dahil sa ito ay nasa normal na presyo na. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

  • Follow Us: