^

Bansa

2 senglot na magkaangkas sa motor driver tigok, backrider sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines -- Sumalubong kay kamatayan ang isang 22-anyos na seaman habang sugatan ang kanyang kaibigan matapos mahulog sa irigasyon ang sinasakyang motorsiklo sa Provincial road ng Brgy. Bagong Tanza, Aurora, Isabela noong Huwebes ng hatinggabi.

Kinilala ni Supt . Manuel Bringas, Chief Investigator ng Isabela PNP na pauwi galing sa isang laklakan ang nasawi na si Kevin Juan at angkas nitong si Joselito Dela Cruz, 19, nang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan at nagtuloy-tuloy sa irigasyon.

Isinugod ng mga sumaklolo ang magkaibigan sa isang pribadong Hospital sa  Cauayan City kung saan nalagutan ng hi­ninga si Juan habang ginagamot.

vuukle comment

MANUEL BRINGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with