^

Pang Movies

Female singer na biritera hindi na maidilat ang mukha dahil sa kapal ng fake eyelashes

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Wala kang itulak kabigin sa apat na magagandang female singers na may iba’t ibang style sa pagkanta pero pagdating sa ganda ng boses at birit ay almost lahat sila ay mga biritera.

Hindi lang ‘yan, halos na-reach na nila ang peak ng kanilang success sa larangan ng pagkanta.

Marami lang nakakapansin na isa sa kanila ay parang eskayola ang mukha na napakakapal ng make-up at para bang hindi na niya maidilat ang mata niya sa kapal ng black artificial eyelashes.

Hindi kaya galit ang make-up artist na nag-apply ng make-up sa mata niya? Dahil sa kapal ng make-up nito pumangit tuloy. Hmmppp!

Indie Director ‘di alam kung paano wawakasan ang pelikula

Recently lang ay nanood ako ng isang indie film. Napakaganda ng story nito at kahit hindi mga sikat pero may name naman ang ilang artista sa said movie, magaling ang director at okey ang pelikula.

Kaya lang, napakahaba ng running time nito at may kabagalan ang phasing. Naisip namin na parang hindi makita ni direk kung saan niya tatapusin ang pelikula.

Sabi ng katabi kong bakla, “nauubusan din ng paraan ang direktor kahit anong galing niya. Saan kaya niya puputulin ang movie na ginawa niya?”

Sagot ko naman, “aba’y malay!”

Tandem nina Donita at Super Tekla pumatok

Donato pala ang real name ng komedyanteng si Donita Nose ng Wowowin.

In fairness, maganda siya at hindi siya gaya ng ibang bakla na pa-buking. Makinis siya at aakalain mong isang meztisa na ‘yun pala ay isang meztiso.

Siya ang pinagkakatiwalaan ng host na si Willie Revillame kapag hindi na niya kaya na magtrabaho sa harap ng audience.

Matagal na rin sa Wowowin si Donita hanggang sa magkaroon siya ng ka-tandem - si Super Tekla.

Silang dalawa ay nag-klik at malaking tulong sila kay Willy sa programa.

Kamakailan lang ay nag-show sa Abu Dhabi ang Wowowin at marami silang OFWs na napaligaya.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with