^

Bansa

Voters reg simula uli sa Nob. 7

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinakda na ng Commission on Elections (Come­lec) ang muling pagbubukas ng voters registration sa susunod na buwan para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Batay sa en banc na inilabas ng Comelec, sa November 7 o halos dalawang linggo mula ngayon ang pagre-resume nang pagpaparehistro na tatagal hanggang sa April 29, 2017.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mas pinalawig nila ang registration upang matiyak ang partisipasyon ng mas maraming botante.

Muling ini-schedule ang registration matapos lumusot sa Senado at Kamara ang panukala na ipagliban ang naturang eleksyon na sinang-ayunan ni Pangulong Duterte.

Dahil dito ay inaasahan ang karagdagang tatlong milyon na magpaparehistro sa barangay election at dalawang milyon naman para sa SK.

Sa isinagawang registration noong Hulyo 15-30 ay nasa 3 milyon na mga botante ang nagpatala.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with