8888, bagong citizen hotline
MANILA, Philippines – Naglabas ng Executive Order no. 6 si Pangulong Duterte para sa pagtatayo ng 8888 bilang citizens’ complaint hotline.
Inilabas din ang EO no. 7 ay pagtatalaga sa DND secretary bilang pinuno ng security, justice and peace cluster. Inamyendahan nito ang EO 43 series of 2011.
Miyembro naman ng nasabing cluster ang executive secretary, cabinet secretary, DILG secretary, DFA chief, DOJ secretary, National security adviser, Presidential Adviser on the Peace Process.
Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang mga Filipino sa Japan na direktang magsumbong sa 8888 kung mayroon silang reklamo laban sa mga government employees tulad ng mga nangingikil sa kanila sa airport.
- Latest