^

Metro

Anak ng Japanese publisher, 4 na iba pa kinidnap

-
Dinukot ng anim na armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate ang anak ng isang Japanese newspaper publisher kasama ang apat na iba pa habang papasok ang mga ito sa kanilang paaralan sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Office for Businessmen’s Concern chief Supt. Efren Danao ang mga dinukot na sina Mark Johnsei Giga, 13; kapatid na si Michael Giga, 14; mga pinsang sina Manuel Joseph Ancheta, 10 at Princess Marian Ancheta at ang kanilang tiyuhin na si Michael Ibañez, 32.

Gayunman makalipas ang ilang minuto ay napalaya ang apat at tanging dinala ay ang biktimang si Mark Giga na nasa ika-anim na baytang sa Marian School na nasa Sauyo Road, Novaliches, Quezon City.

Si Mark ay anak ng publisher ng isang Japanese newspaper sa bansa na si Zei Zabburo Giga.

Ayon kay Danao, dakong alas-7:30 ng umaga habang pababa ang mga biktima mula sa kanilang sinasakyang Toyota FX na may plakang UHF-169 at papasok na sa kanilang paaralan sa Marian School nang biglang salubungin ng anim na armadong mga suspect.

Muli umanong pinasakay ng mga suspect ang mga biktima pabalik sa kanilang sasakyan at isa sa mga suspect ang umagaw ng manibela kay Ibañez.

Tinahak ng mga suspect ang landas patungong San Mateo, Rizal kung saan pagsapit ilang minuto pa ay pinababa na ang apat sa mga biktima at saka tinangay si Mark.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang tinatanggap na mensahe ang pamilya Giga buhat sa mga suspect.(Ulat nina Joy Cantos at Jhay Mejias)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP OFFICE

EFREN DANAO

JHAY MEJIAS

JOY CANTOS

MANUEL JOSEPH ANCHETA

MARIAN SCHOOL

MARK GIGA

MARK JOHNSEI GIGA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with