^

Metro

Nag-ala-Gabriela Silang, hinabol ng samurai ng kaaway ni mister

-
Nailigtas sa tiyak na kamatayan ang isang mister sa kamay ng dalawa nilang kapitbahay na sumaksak sa kanya matapos na mag-ala-Gabriela Silang at habulin ang mga ito ng kanyang misis ng isang mahabang samurai sa Marikina City.

Nakilala ang biktimang si Manuel Bueno, 39, may asawa, electrician, ng Blk. 73, Lot 12, Panganiban st., Bgy. Concepcion II, Marikina City. Sa kabila ng pagkakaligtas sa kanyang buhay mula sa tatlong tama ng saksak sa tagiliran, nananatili namang paralisado ang buong katawan nito dahil sa pagkakahagip ng kanyang spinal column ng isang tama ng saksak sa kanyang likuran.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga nagtatagong suspek na sina Joel Aquino, may asawa, tricycle driver, kapitbahay ng biktima; at si Victor Viola, ng W. Soliven Ave., SSS Village, Bgy. Concepcion II, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga noon pang Abril 1. Matagal na hindi ito iniulat ng asawa ng biktima na si Annabelle, 35, manikurista, dahil baka mabalewala ang kaso sa pagkakaparalisado ng kanyang mister ngunit nagpasya na ring magreklamo sa payo ng mga kaibigan.

Sinabi nito na may samaan na umano ng loob ang kanyang mister at suspek na si Aquino matapos na putulan ng iligal na kuneksyon ng kuryente ng huli ang kanilang bahay.

Naareglo ito sa barangay hall nila. Aktong ikakabit muli ng kanyang mister ang kanilang kuryente nang dumating ang suspek kasama si Viola at agad na pinagsasaksak ang biktima.

Nang makita ito ni Annabelle, agad niyang kinuha ang mahabang samurai ng kanyang mister sa bahay at desperado umano siyang patayin ang mga suspek. Isang mahabang habulan ang naganap sa naturang lugar hanggang sa makatakas ang mga ito.

Agad na isinugod ang biktima sa St. Vincent’s Hospital at inilipat sa Orthopedic Hospital sa Quezon City kung saan sobrang laki na umano ng kanilang babayaran dito kaya dapat nang managot ang mga suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANNABELLE

BGY

CONCEPCION

DANILO GARCIA

GABRIELA SILANG

JOEL AQUINO

KANYANG

MANUEL BUENO

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with