^

Metro

Delivery boy na tumulong sa bubungan, natodas sa kuryente

-
Isang delivery boy ang iniulat na nasawi makaraang madikit ang hawak na tubo sa kable ng Meralco na may mataas na boltahe ng kuryente, kamakalawa ang gabi sa Las Pinas City. Kinilala ng pulistya ang biktima na si Edgar Jala, 25, binata at residente ng Better life Subd., Tansang Luma, imus, Cavite.

Halos masunog ang buong katawan ng biktima sanhi ng tumasok na kuryente sa katawan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 8:30 ng gabi kamakalawa, nanag maganap ang pangyayari sa bubungan ng bahaya ng pinsan ng biktima sa Pamplona, Las Piñas City.

Dahil sa paghahangad na makatulong ang biktima sa pagkukumpuni ng bubungan ng bahay ng pinsan ay humawak ito ng tubo upang iabot sa gumagawa subali't sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadikit ang tubong hawak ng biktima sa linya ng kuryente na nagresulta sa kanyang kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BATAY

CAVITE

DAHIL

EDGAR JALA

ISANG

KINILALA

LAS PI

LAS PINAS CITY

LORDETH BONILLA

TANSANG LUMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with