PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Setyembre 29, 2004

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Sa mga nag-aapply ng trabaho, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakad sa umaga. Ang mga lalakarin ay huwag nang ituloy kung sa hapon dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Aksyon ang dapat at hindi panay salita. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-21-36 at yellow.


SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Hindi sinasadyang may matutuklasang lihim. Iwasan ang masasakit na biro upang hindi makasakit sa damdamin ng kapwa. Lumalandas sa tamang daan ang tagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 6-10-25-33 at fuschia.


SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Kung may balak, ituloy ito at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang binabalak, huwag nang gawin dahil mabubuko. Upang maiwasan ang di-magandang pangyayari, huwag paunlakan ang anumang paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-24-35 at pink.


CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– May lunas ang matagal nang gumugulo sa isip at bumagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Magdobleng ingat, malamang may kaibigang magtraydor. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-28-36 at avocado green.


AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Sa gawa at wala sa salita makikita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbibigay ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa, kung may iuuwing pasalubong, magiging matatag at lalong maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color of the day ang 5-9-27-35 at blue.


PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat, dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Kung may planong gawin para sa kaunlaran, simulan na kaagad ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 7-16-26-36 at brown.


ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan, susubukan ang iyong pasensya sa bandang gabi. Ipairal ang kahinahunan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color of the day ang 4-7-16-32 at mint green.


TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga ng tungkulin o pagsunod sa mga payo ng magulang o nakakatanda. Kung nag-aaral, siguradong makakakuha ng mataas na grado sa iyong mga pagsisikap. Lucky numbers at color of the day ang 3-17-26-38 at lemon green.


GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Kung hangad ang kaunlaran, simulang magsikap at magtiyaga. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Alam ng sarili ang masamang ugaling umiiral na kung babaguhin ay tiyak magbabago ang takbo ng buhay tungo sa kaunlaran. Maging totoo at prangka. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-23-33 at lavender.


CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Madaling magpaunlak ang kaanak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasang mabasa ng ulan o matuyuan ng pawis ang likod. Lucky numbers at color of the day ang 11-22-33-44 at gray.


LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Walang maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang magandang pangyayari ngayon: Matutuwa sa isang hindi inaasahang pangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-23-42 at red.


VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Mag-ingat dahil magiging malapit ngayon sa mga mapagsamantala at abusado. Maiiwasan ang di-magandang pangyayari kung magiging alerto at hindi magdidesisyon nang walang masusing pag-aaral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang anumang transaksyon. Lucky numbers at color of the day ang 16-29-36-37 at yellow.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: