^

Kutob

Enero 18, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN(Disyembre 22- (Enero 19)

Kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit subalit kung may promosyon ang pinapasukan, asahan na isa ka na sa kanila. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o sulat. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong, materyal o payo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 32, 39 at yellow.

AQUARIUS(Enero 20- Pebrero 18)

Huwag maging ipokreto, anuman ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung ina-akalang tama. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga at para sa iyong ikakabuti. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at white.

PISCES(Pebrero 19- Marso 20)

Ang pagharap sa mga gawain anumang oras ay hindi magbibigay ng katamlayan sa sarili. Magiging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak na kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

ARIES(Marso 21- Abril 19)

Ang taglay na kasipagan at tiyaga ang mabisang puhunan para makamtam ang kaunlaran. Ang responsibilidad sa pamilya ay prayoriad kaysa sarili. Magkakaroon ng suliranin sa oras, sa pagitan ng trabaho at ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

TAURUS(Abril 20-Mayo 20)

Kung may lalakarin sa uma-ga gawin upang maging mata-gumpay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan subalit sa bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

GEMINI(Mayo 21-Hunyo 21)

Kailangan ang matibay na self-control sa sarili dahil baka may susubok ng iyong pagti-timpi. Iwasan ang magalit  o mag-init ang ulo dahil sisirain nito ang iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 20, 21 at brown.

CANCER(Hunyo 22-Hulyo 22)

Ang mga praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang mababang sahod na halos hindi sapat sa pangangailangan ng sarili at pamilya ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 24, 34, 42 at red.

LEO(Hulyo 23- Agosto 22)

Upang maging matagumpay sa trabaho, alamin ang lahat ng detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag ikahiya ang magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 18, 38 at cream.

VIRGO(Agosto 23-Setyembre 23)

Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaa-ring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog. Dapat mag-relax upang makasagap ng magandang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 23, 34 at maroon.

LIBRA(Setyembre 24- Oktubre 23)

Maaaring ngayon makamit ang matagal nang inaasam-asam. Subalit magiging sensitibo ka sa mga kaun-ting bagay. Maaaring masaktan ka sa mga salitang maririnig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SCORPIO(Oktubre 24-Nobyembre 22)

Sikapin na lahat nang naka-binbin na gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiwanan na gawain ay magiging walang kabuluhan sa hinaharap. Nasa sariling pagsisikap ang ikauunlad ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 18, 38 at orange.

SAGITTARIUS(Nobyembre 23-Disyembre 21)

Maganda ang pagkakataon upang hanapin ang de kalidad na investment kaysa magpabandying-bandying at walang gawin. Huwag pansinin ang mga tututol at ipatuloy ang gawaing binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with