^

Kutob

Enero 14, 2018

Pilipino Star Ngayon

Capricorn - Disyembre 22- Enero 19

Huwag mailto sa iba’t ibang payong maririnig mula sa mga kaibigan. Sundin ang nararapat at pag-isipan nang mabuti ang ibubunga sa gawain. Maging matatag sa gagawing pagpapasiya. Sa pag-ibig, ang hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan ay mauuwi sa pagkaputol ng relasyon o pangmatagalang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 27, 34 at yellow.

Aquarius - Enero 20 - Pebrero 18

Ang payo nang may higit na nakakaalam ay magiging mahalaga. Kung may balak na bumukod ng tirahan, ngayon ang tamang araw. Huwag hintayin ang pagdating ng isang kaibigan dahil hindi siya  makarating. Lucky numbers at color for the day ay 9, 25, 33, 39 at jade green.

Pisces - Pebrero 19 - Marso 20

Iwasan na laging nakasandal sa mga detalye at humanap ng sariling ideya para maipakita ang taglay na kakayahan. Matutong magdesisyon ng tiyak at mabilisan. May pagkakataon na matapos ang gawain na matagal nang napabayaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 26, 33 at cherry red.

Ares - Marso 21- Abril 19

May mga matinong paraan kung papaano kumita nang hindi labag sa batas, kung pagsisikapan. Ang pagkalulong sa sugal at iba pang laro nang pakikipagsapalaran ang magsisilbing balakid sa pag-unlad ,kung hindi titigilan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 36, 45 at jade green.

Taurus - Abril 20-Mayo 20

Kung sadyang kapos sa pera, walang masama kung magsasabi ng totoo sa kinauukulan. Isang matalik na kaibigan o kamag-anak ang magbibigay ng problema dahil hihingi ng tulong.
Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 35, 39 at lemon green.

Gemini - Mayo 21-Hunyo 21

Makakaramdam ng kirot at pananakit ng balakang o baywang subalit huwag mabahala dahil sanhi lamang ito nang pagbabago ng panahon. Panatilihin na maging maunawain at mapagbigay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 25, 34, 40 at orange.

Cancer Hunyo 22-Hulyo 22

Matataranta sa pagsisimula ng araw dahil halos sabay-sabay na magsusulputan ang problema. Relax at kalmahin ang sarili para makapag-isip ng magandang solusyon at matutuklasan na sisiw pala mga ito. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 31, 35 at brown.

Leo - Hulyo 23 - Agosto 22

Anumang plano, gawin at dapat na ituloy upang anihin ang tagumpay. Ang kalagayang pinansiyal ay may magandang  kinakaharap at nasa tamang landas ng kaunlaran kung daragdagan ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 34, 35, 39 at honey yellow.

Virgo - Agosto 23-Setyembre 23

Tamang panahon sa paglilinis ng bahay at kapaligiran. Sundin ang budget sa anumang gastusin. Kahit papaano magiging masaya kung tulung-tulong ang buong pamilya sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 34, 38 at amethyst.

Libra - Setyembre 24- Oktubre 23

Maaaring magdulot ng sama ng loob ang kaibigan o kamag-anak. May pagkasensitibo ang isang nakakatandang kamag-anak na nangangailangan ng iyong pangunawa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 40, 42 at white.

Scorpio - Oktubre 24-Nobyembre 22

Magiging balanse ang mga oras sa lahat ng bagay. Walang magiging suliranin sa trabaho at pamilya. Ang makipag-ugnayan sa mga kamag-anak ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 33, 42 at violet.

Sagittarius - Nobyembre 23-Disyembre 21

Ang kalusugan ay humi-hingi ng karagdagang pansin. Kung may kakaibang nararamdaman, iwasan ang mga pagkaing mamantika. Sariwang gulay at prutas ang dapat kainin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 21, 32, 37 at baby pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with