^

Kutob

Enero 6, 2018

Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS
(Enero 20 - Pebrero 18)

Malakas, buo ang tiwala sa sarili at positibo ang isip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya gayundin sa trabaho. Nasa tamang landas ang kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 35, 38 at light gray.

PISCES
(Pebrero 19 - Marso 20)

Ang mag-relax, magpahinga o mamasyal ay malaking bagay para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging maikli ang pasensiya kaya’t iwasan ang mapikon sa mga biruan. Madaling mag-init ang ulo kaya hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 22, 34, 42 at sky blue.

ARIES
(Marso 21 - Abril 19)

Ang tunay na kaibigan ay makikilala kung ikaw ay nasa gipit na kalagayan.
Malamang ngayon mapapatunayan kung sino ang maituturing mong tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 18, 33 at jade green.

TAURUS
(Abril 20 -Mayo 20)

Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at  pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming pagbabago ang nais gawin pero mahihirapan kung ipipilit. Lucky numbers at color for the day ay 11, 18, 36, 41 at magenta.

GEMINI
(Mayo 21 -Hunyo 21)

Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso dahil nasa linya ang maraming pagkakamali na maaaring magawa ngayon. Hinahon sa anumang bagay ang dapat gawin upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 24, 43 at sky blue.

CANCER
(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Nasa mood ng kasiglahan at handa mong harapin ang kahit anong gawain. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat. Ngunit mag-ingat dahil malamang isang matalik na kaibigan ang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 29, 31 at cream.

LEO
(Hulyo 23 - Agosto 22)

Alam mong tama ka subalit lalong mabuti kung hindi makikialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling problema dahil malulutas kung pagtutuunan ng pansin at panahon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 22, 40 at purple.

VIRGO
Agosto 23- Setyembre 23

Malamang may mag-aalok ng trabaho subalit magandang pag-isipan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihang idudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Manalangin upang magabayan nang tama sa mga desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 31, 42 at maroon.

LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)

Iwasan ang social party. Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Kung may balak na maglakbay dapat ipagpaliban. Malapit ka sa disgrasya o sakuna kaya dapat ibayong ingat ang gawin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 45 at pink.

SCORPIO
(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Ang pag-aayos ng tahanan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Kung nago-office, ang pag-aayos ng mga ka-gamitan ang pagtutuunan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 38 at yellow.

SAGITTARIUS
(Nobyemre 23 -Disyembre 21)

Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak. Subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago ka mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 24, 30 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with