PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 27, 2017

Pagtitibay: Dumadaloy ang kagalingan sa sambayanang Pilipino.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maisasagawa kaagad kung ano ang plano. May panahon para mapag-ukulan ng oras ang pansariling balak o gawain. Maging totoo sa sarili. Ang pagsisinungaling ay may kabayaran. Kung pumapasok sa trabaho, maaalintana sa oras nang pagpasok dahil sa trapik. Lucky numbers at color for the day ay 22, 31, 36, 38 at peach.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maaaring makagawa ng mahalagang desisyon tungkol sa kapatid, kamag-anak o kaibigan. Malaking pag-asa na magtagumpay sa pag-ibig nang sinusuyo. Huwag abusuhin ang sarili sa labis na pag-inom ng alak o pagpupuyat. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 36, 39 at cream.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging mapa­lad sa kalakal o sa pag-ibig. Magiging magaan ang pasok ng pera. Magiging magaan ang halos lahat ng bagay sa buhay. Ang pagtitiwala ng kapwa ay dapat suklian ng matapat na paglilingkod o hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 24, 31, 42 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May pagbabagong magaganap sa trabaho o sa tahanan. May kaabalahang mangyayari nang dahil sa trapik kaya agahan ang paglakad kung may lalakarin. Wala kang maaasahan ngayon sa mga kaibigan kahit sa best friend mo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 36, 37, 42 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May magandang kapalaran sa personal na hangarin kung kikilos kaagad. Mabibigyan ng tamang lunas ang suliranin sa loob ng tanggapan o tahanan kung aaksiyunan kaagad. Isang kaibigan ang tatawag ng pansin dahil sa kakulitan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 33, 41 at lemon green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Malamang makakadalo sa isang pagtitipon na hindi inaasahang mapuntahan dahil sa kaibigan. Ngayon ay may bantang maloloko ka, kaya huwag ibigay ang lubos na tiwala lalo na sa hindi talaga kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 34, 40 at peach.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-ingat sa pagpili nang magiging kaibigan dahil may ilan na mapagsamantala. Panindigan ang nabitiwang pangako at dapat tuparin. Magkakaroon ng alintana sa gawain. Iwasan ang mga pagkaing makakasama sa lalamunan at sikmura. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 36 at orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mag-ingat sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay dahil may kahinaan ang baywang. Makakagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang sa sarili, tahanan, pinapasukan o opisina. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag magpautang. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 37 at gold yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung may pananagutan, iwasan ang maghangad ng bagong relasyon sa pag-ibig. Magtiwala sa minamahal dahil kung walang tiwala, wala nang silbi ang pagsasama. Isang matalik na kaibigan ang magtatraydor. Magagahol sa oras ang mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 16, 38 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging mabunga at mabiyaya ang panahon kung gagamitin ang wastong pamaraan sa hanap-buhay. May pagbabagong magaganap sa buhay kung buo ang loob na makipagsapalaran. Ang suliranin ay malulutas kung hahangarin. Ang pangakong hindi natupad ay may katuparan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 10, 16 at red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Iwasan ang mamagitan sa walang kabuluhang pagtatalo upang hindi masangkot sa gulo ng iba. Isang hindi ina­asahang balita ang magbibigay ng ligaya o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 36, 39 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang mahal sa buhay ay maaasahan ng tulong kung kakailanganin. May mga kaibigan na handang magmalasakit. Lucky numbers at color for the day ay 10, 28, 31, 39 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: