^

Kutob

Disyembre 9, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation:  Laging mabuti ang kalooban ng Maykapal. Nananalig ako na higit na mainam ang laan niya para sa akin.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino ang darating. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Tamang pag-aral ang kailangan upang makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan na namumuno sa tahanan subalit hindi ka direktang kasali. Kung aayusin ang sigalot, tiyakin na hindi makasali sa gulo. Pasensiya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maraming gawain subalit kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –Kung makakatanggap ng regalo ngayon, tiyak magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay C, D o W, magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa kaibigang Taurus dahil hindi kayo magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at lilac.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Nasa maayos na kondis­yon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali, kaya kung may mga bagay na kaila­ngang pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain at hindi mo matatanggihan subalit ang mag-ingat ay huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at pink.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hindi maiiwasan ang argumento subalit makakalayo sa away kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang mananadya. Kung may hindi pagkakaintindihan, sikapin na hindi mapasok sa kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Anuman ang gagawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung naging ugali ang magpabaya, ngayon dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung gulung-gulo sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan, putulin ito hangga’t maaga pa. Kumunsulta sa psychic upang magkaroon ng tamang gabay. Hindi na uso ang magpakamartir. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang magandang balita ang matatanggap. Hindi ka mauunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin, kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Hawak mo ang bola ng tagumpay, nasa iyo kung ibubuslo mo sa goal o ipapasa sa katunggali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang kinakatakutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang kailangan. Tiyakin lamang na ang bawat gawin ay hindi labag sa batas ng tao at sa Diyos. Sipag at tiyaga ang sagot sa kakapusan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 29, 36 at white.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag igiit ang sarili sa kanya. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at indigo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with