^

Kutob

Disyembre 4, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation:  Panibagong pag-asa ang hatid ng bawat umaga. Dakila ang pag-ibig ng Maykapal para sa lahat.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Gugugol ka ng ilang oras sa pagpila. Kung may follow up o mag-apply ng trabaho gawin nang maaga. Maraming aberyang mangyayari kung magpapatanghali. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 26, 37 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May kinasasabikan kang tao o resulta nang pinapagawa o kaugnay sa trabaho. Huwag malungkot dahil may kapalpakan ang inaasam-asam. Sadyang ganoon, nilalayo ka lamang ng iyong “guardian angel” sa hindi magandang mangyayari. Kung tutuusin magpasalamat ka sa kapalpakan na magsisilbing aral. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 25, 44 at gray.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang iyong nakahiligan ay hindi tugma sa iyong kalusugan at dapat baguhin, putulin o bawasan. Kung ang hilig ay “oily foods” at tsitsirya bawasan o putulin. Kung ang hilig ay sobrang tamis at alat, bawasan. Kung ang hilig ay sobrang paninigarilyo at sobrang inom ng alak panahon na upang putulin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 19, 34 at red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Bibigay ang kalusugan kung kulang sa pagpapahinga at hindi balanse ang pagkain. Gulay at prutas ang kailangan. Kung sobra sa timbang, “diet” at ehersisyo ang kailangan. Sarili ang magdurusa kung hindi paiiralin ang disiplina tungkol sa kalusugan. Isaisip na kalusugan ang puhunan sa hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 24, 36 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –Usisain mo ngayon ang iyong sarili kung tama o mali ang iyong ginagawa. Ang buhay ay hiram lamang na kahit anong oras ay maaa­ring bawiin ng Maykapal. Tanging ikaw lamang ang makakasagot sa sariling katanungan. Ang mahalaga ay hindi pinapabayaan ang responsibilidad at maligaya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 24, 40 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maaaring hindi nila nakikita ang kagandahan at kabutihan ng iyong pagkatao. Ang mahalaga ay harapin ang mga pagsubok sa buhay. Wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba, basta’t tiyak mo na wala kang ginagawang labag sa batas ng Diyos at tao. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 25, 35 at maroon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung tutuusin mahusay mong nagagampanan ang iyong tungkulin at malapit ka sa bossing. Nang dahil dito, may mga kasamahan kang putok ang butsi sa inggit. Huwag patulan ang anumang maririnig na tsismis na ipinapakalat laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 38, 44 at pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maaangat mo ang sarili na hindi tumutungtong sa balikat o ulo ng kapwa. Ang anumang gagawin o nagawa sa kapwa ay siya ring gagawin sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 21, 31 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung may gustong sabihin, walang dahilan na manahimik, bubulung-bulong sa sarili o ikuwento sa iba. “This is a free country” at bawat isa ay may karapatan na bigkasin ang niloloob, maliban ang labag sa batas. Sabihin nang direkta sa kinauukulan ang sadya o kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 30, 0 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Bagaman may alinlangan kang simulan ang naisip, ituloy dahil magtatagumpay ka basta hindi labag sa batas ng Diyos at tao. Kung negatibo ang iniisip, negatibo ang resulta. Kaya palaging isaisip na positibo ang resulta sa bawat gawain. May sisisihin kang tao dahil sa kapalpakang nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 39, 42 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Walang masama sa katangiang mabait at matulungin, ngunit isang pagkakamali kung ibibigay ang tulong sa taong hindi karapat-dapat. Mag-ingat dahil malapit ka sa mga taong mapagsamantala, mandaraya at manloloko. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 33, 42 at white.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung nagmamaneho ng sasakyan, mag-ingat sa aksidente o maka-aksidente. Kung nagtatrabaho na ang hawak ay matatalas o matutulis na bagay, lubos na pag-iingat ang gawin. Kung palaging nakaupo ang trabaho, iindahin ang sakit ng baywang at balakang. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 33, 41 at violet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with