^

Kutob

Disyembre 3, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation:  Ang mapaghimalang Manlilikha ang kumikilos sa buhay ko at sa bawat miyembro ng pamilya ko. Dumadaloy sa amin ang kagalingang pisikal at ispiritu.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung naging magulo ang iyong isip, ang magandang gawin ay umupo muna at magplano kung ano ang unang dapat gawin. Magplano bago magsimula ng kahit anong bagay. Huwag magpadalus-dalos dahil palaging nakasunod ang anino nang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 17, 29 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sa halip na magsisi o manghihinayang, magpasalamat na hindi natuloy ang plano o binabalak dahil magreresulta ng hindi maganda. Ibaling sa ibang makabuluhang gawain ang napagplanuhan dahil dito tiyak ang tagumpay. Palipasin ang araw na ito kung may lalakarin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 19, 24 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Dahil magulo ang iyong isip at pakiwari ay nasa nagkrus na daan ka at hindi alam ang direksyon na tamang puntahan, makakabuting kumunsulta sa higit na nakakaalam o sa psychic para magkaroon ng tamang gabay. Huwag mahiyang humingi ng tulong sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 14, 41 at violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Busilak sa halimuyak at ganda ang iyong araw. Walang magiging problema sa trabaho at sa tahanan. Walang magiging hadlang sa anumang binabalak at gagawin. Magaan ang pakiramdam at maaliwalas ang bawat sulok ng kapaligiran. Lucky  numbers at color for the day ay 7, 8, 39, 43 at ocean blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Sa labis na pag-iisip tungkol sa kaunlaran, kailangan mo ng “outlet” upang hindi gaanong maapektuhan ang kalusugan. Ang magbakasyon, mag-travel o mamasyal ay malaking bagay at tulong sa kalusugan. Pahinga ang kailangan upang manumbalik ang enerhiya ng sigla. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 34, 41 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maaaring bagot ka sa maliit na teritoryong ginagalawan mula sa tahanan hanggang trabaho at pabalik. Ngayon ang magandang pagkakataon na paglaanan ng panahon ang pagpaplano ng bakasyon. Maisasakatuparan ang binabalak kung gugustuhin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 31, 42 at brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag gaanong pahatak sa paglalayag ng isip tungkol sa problema. Mahalaga ang kumilos samantalang hinahanapan ng tamang solusyon ang suliranin. Ang mahalaga ay makagawa ka ng isang bagay na may pakinabang o makabuluhan sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 14, 22, 28, 30 at blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May makabuluhang bagay ang magaganap sa iyo ngayon. Malamang sa iyong bagong anyo nang pagbibihis o pagbabago ng ugaling hindi kanais-nais ay makakapuna ng atensyon mula sa iba. Magiging balanse ang iyong pagkatao at kung ito ay itutuloy, marami kang magiging kapanig. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 32, 38 at cream.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag maniwala sa kutob o hinala dahil malamang magkakamali ka. Paniwalaan ang makikitang ebidensiya dahil ito ang katotohanan. Huwag maniwala sa tsismis baka may naninira lamang. Alamin ang puno’t dulo bago magbigay ng komento o gumawa ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 29, 33, 39 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Masayahin ka makipaghalu-bilo sa labas subalit ngayon ay iwasan ito nang mapalayo sa hindi magandang pangyayari. Mag-ingat at magmasid, maging alerto sa paligid. Huwag magtiwala sa nakasanayang gawin sa labas ng tahanan. Hangga’t maaari pumirmi sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 36, 39 at aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Madali kang mahulog pagdating sa usapang pag-ibig. Mabilis ka rin makatayo kapag nadapa sa gitna nang nabigong relasyon. Kung liligawan o manliligaw ngayon, tiyak na handa kang magpatali dahil hindi ka na makakawala dahil siya ang iyong twinflame o soulmate. Lucky numbers at color for the day ay 6, 16, 31, 36 at fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Buong tatag mong mahaharap kung papaano mo gagawin ang pagkontrol sa iyong buhay at sa gagawing mga desisyon. Subalit ang masusing pag-aaral ay huwag kalimutan. Kalimitan ang biglaang pagdedesisyon ay pinagsisihan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with