^

Kutob

Nobyembre 30, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anuman ang gawaing matapos ko o sitwasyong malampasan ko ay ipinagpapasalamat ko sa grasya ng lakas at karunungang kalooban ng Maykapal.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) –  Magplano ng gagawin. Iwasan ang maging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay may kaugnayan sa isang uri ng sakit o high blood. Panindigan ang sinabi at ginawa. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 16, 33 at coral red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Mag-ingat sa mga taong mapagbiro at mapanghamon nang pagtitimpi. Magta­tagumpay sa mahirap na gawain. Ang personal na gawain ay may hatid na pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 15, 28 at electric blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Ang transaksyon ay magiging tagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan na makasakit ng damdamin ng kapwa. Matutuklasan ang isang lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit. Huwag magsugal at maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 30 at sky blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Unawain at pag-isipan nang mabuti bago lumagda sa kasulatan. Huwag magtiwala sa mga taong makakaharap. Isang kaibigan na may lihim na galit ang matutuklasan. Ang desisyong gagawin ay malamang na magpahamak sa sarili kaya ingat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 6, 37 at emerald green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may lalakarin, sa umaga gawin upang maging matagumpay. Ang lahat nang aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan subalit sa bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Naaayon ang pamamasyal o pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak pagkatapos ng trabaho o gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang taglay na kasipagan at pagtitiyaga ang magiging mabisang puhunan para maabot ang kaunlaran. Ang responsibilidad sa pamilya ay siyang magiging pangunahin kaysa sarili. Magkakaroon ng suliranin sa oras sa pagitan ng trabaho at ng pamilya. Hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil ang lahat ay may paraan at solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42, at beige.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang mga praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang mababang sahod na halos hindi sapat sa pangangaila­ngan ng sarili at pamilya ay magiging dahilan para katamaran ang gawain. Tatawag ang minamahal at dapat bigyan ng parehas na panahon ang tungkulin at ang pamilya.  Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kakailanganin mo ngayon ang matibay na self-control sa sarili dahil baka may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil ito ang sisira ng iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan. Huwag mapikon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 21 at brown.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog. Maging sa sarili hindi nakakatiyak kung ano ang dapat gawin at kung ano ang tama at ano ang mali. Dapat mag-relax, mamasyal o manood ng sine upang makasagap ng magandang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at maroon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Upang maging tagumpay sa trabaho, hagilapin ang lahat ng detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag ikahiya ang magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. May pagkakataon na sasalungat ka sa gusto ng iba at igigiit ang sariling nais.  Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) –  Enjoy ka ngayon sa iyong mga gawain sa hanapbuhay at sa school. Maaari mong pagsamahin ang iyong business at plea­sures. Maaaring mapikon ang iyong mahal.  Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 26, 31, at avocado green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mabubuhos ang kakayahan sa gawain. Kailangan na mag-ingat sa pera, alahas o cellphone habang nasa sasakyan o daan. Iwasan ang tsismis kung ayaw mabaon sa utang. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. May mahalagang bagay na matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 25, 33 at nile green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with