PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 22, 2017

Pagtitibay: Salamat sa kabutihan nang Maykapal kung kaya masigla ako, malaya,  masagana at maunlad.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong ito para manumbalik ang sigla. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang magla­sing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Anuman ang paanyaya dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lumagda. Kung may balak na maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May mag-aalok ng trabaho subalit mas magandang pag-aralan muna nang mabuti at timbangin ang kabutihang maibibigay kaysa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng  pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay at tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) Nasa kundisyon at kasiglahan ka kaya handang harapin ang anumang pagsubok. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtatraydor o magtataksil. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21 at fuchsia.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap kaya hindi maiiwasan na makapagbigay ka ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Madaling pakitu­nguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at paki­kisama ay dapat pairalin. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iwasan ang palaging pag-iinit ng ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos para may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinaukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: