^

Kutob

Oktubre 17, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang makakapigil sa bawat plano ng Maykapal para sa buhay ko. Maganap nawa ito ayon sa kalooban Niya.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maaaring magdulot ng sama ng loob ang kaibigan o kamag-anak. May pagkasensitibo ang isang nakakatandang kamag-anak na nangangailangan ng iyong pang-unawa. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo nang dahil sa suliranin. Sapagkat lalong hindi makapag-iisip ng epektibong solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 40, 42 at white.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magiging balanse ang mga oras sa lahat ng bagay. Walang magi­ging suliranin sa trabaho at pamilya. Magiging malakas ang ESP kaya umaayon ang panahon kung ano ang gustong mangyari o makamit. Ang makipag-ugnayan sa mga kamag-anak ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 33, 42 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang kalusugan ay humihingi ng karagdagang pansin kung may kakaibang nararamdaman. Iwasan ang mga pagkaing mamantika, sa halip sariwang gulay at prutas ang pagtuunan. May mga kamag-anak na handang tumulong at dumamay sa suliraning pampamilya. Ang mga kaibigan ay handang tumulong kung kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ay 17, 21, 32, 37 at baby pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag kang malilito sa iba’t ibang payong maririnig mula sa mga kaibigan. Sundin ang nararapat at pag-isipan nang mabuti ang ibubunga sa gagawin, kung ito ay makatuwiran o hindi. Maging matatag sa gagawing pagpapasiya. Sa pag-ibig, ang hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan ay mauuwi sa  pagkaputol ng relasyon o pangmatagalang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 27, 34 at gold yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang payo nang higit na nakakaalam ay magiging mahalaga. Kung may balak na bumukod ng tirahan, ngayon ang tamang araw. Huwag hintayin ang pagdating ng isang kaibigan na inaasahang dumalaw at tiyak hindi makakarating. Lucky numbers at color for the day ay 9, 25, 88, 32 at jade green.  

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Iwasan ang laging nakasandal sa mga detalye at humanap ng sariling mga ideya upang maipakita ang taglay na kakayahan. Matutong magdesisyon ng tiyak at mabilisan. Makakabuti ang matapat na pakikipag-usap kung tungkol sa salapi. May pagkakataon na matapos ang gawain na matagal nang napabayaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 26, 33 at cherry red.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kahit sa kagipitan ng pamumuhay, makatuwiran lamang kahit papaano na bigyan ng kahit kaunting kaligayahan ang sarili at pamilya. May mga tamang paraan kung papaano kikita nang hindi labag sa batas kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 36, 45 at blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung sadyang kapos sa pera, walang masama kung magsabi ng totoo sa kinauukulan. Isang matalik na kaibigan o kamag-anak ang magbibigay ng malaking problema dahil hihingi ng tulong. Kung tutulungan, may posibilidad na madamay ka sa kanyang gusot. Maging matalino sa pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 35, 39 at lemon green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Makakaramdam ng kirot at pananakit ng balakang o baywang subalit huwag mabahala dahil sanhi lamang ito ng kalamigan ng panahon. Papanatilihin ang pagkamaunawain at mapagbigay. Araw ngayon ng pagpatawad sa nagkasala at humingi ng tawad kung may kasalanan. Lucky numbers at color for the day ay  19, 25, 34, 40 at gray.

CANCER (Hunyo 2- Hulyo 22) – Matataranta ka sa pagsisimula ng araw dahil halos sabay-sabay na magsusulputan ang problema. Relax at kalmahin ang sarili upang makapag-isip ng solusyon at matutuklasan na sisiw lamang pala ito. Sa anumang gawain, sipag at tiyaga ang dapat pairalin upang makamit ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 31, 35 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Anumang plano ang gagawin, ngayon dapat ituloy upang anihin ang tagumpay. Ang kalagayang pinansiyal ay may magandang kinakaharap. Nasa tamang landas ng kaunlaran kung dadagdagan ang pagsisikap. Huwag isubo ang sarili sa walang kabuluhang mga barkada at pagsasayang ng oras sa walang kwentang mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 34, 35, 39 at honey yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Tamang panahon sa paglilinis ng buong bahay at kapaligiran. Ipagkasya o ilagay sa budget ang anumang gastusin. Kahit papaano, magiging masaya kung tulung-tulong ang buong pamilya sa gawain. Sa negosyo, magiging maunlad ang pangangalakal. Iwasan ang maglakbay ng malayo. Sikaping huwag magpagabi sa daan o lansangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 34, 38 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with