^

Kutob

Oktubre 16, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang aking mga kamay ay nakahanda na para sa mga oportunidad na ibubuhos ng Maykapal.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sikapin na matapos ang lahat nang nakabinbin na mga gawain. Dahil ang anumang maiwanan ay magiging walang kabuluhan sa hinaharap. Ang kalusugan ay hindi magiging sagabal sa pagtupad sa tungkulin at obligasyon. Nasa sariling pagsisikap ang ikakaunlad ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 18, 38 at orange.              

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maaaring ngayon makamtan ang matagal nang inaasam-asam. Subalit magiging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay. Maaaring masaktan ka sa mga salitang maririnig laban sa iyo. Upang manatiling balanse ang enerhiya ng kaligayahan, makakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit subalit kung may promosyon ang pinapasukan, asahan na isa ka sa kanila. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o sulat. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal  o payo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 32, 39 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda ang pagkakataon upang hanapin ang de kalidad sa investment kaysa magpabandying-bandying at walang gagawin. Ang iyong talento ay malaking puhunan sa ikakaunlad kaya panahon na upang magamit ito sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tututol sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kaliwa't kanan man ang mga gawain ay hindi magbibigay ng katamlayan sa sarili. Magiging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak sa kaunlaran. Ang pag-ibig ay siyang gabay sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magpakatotoo ka at kung anuman ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo kung walang nakikitang kamaliang nagawa. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga para sa iyong ikabubuti. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at gray.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may lalakarin sa u­maga gawin upang maging tagumpay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay magiging okey subalit sa bandang hapon ay matamlay at mabagal. Naaayon ang pamamasyal o pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak pagkatapos ng trabaho o gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang taglay na kasipagan at pagtitiyaga ang magiging mabisang puhunan para makamtan ang kaunlaran. Ang responsibilidad tungkol sa pamilya  ay siyang magiging pangunahin kaysa sa sarili. Magkakaroon ng suliranin sa oras sa pagitan ng  trabaho at ng pamilya. Hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil ang lahat ay may paraan at solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang mga praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang mababang sahod na halos hindi sapat sa panga­ngailangan ng sarili at pamilya ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Tatawag ang minamahal at dapat bigyan ng sapat na panahon ang tungkulin  sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 24, 34, 45 at red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kailangan mo ngayon ang matibay na self-control sa sarili dahil baka may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo, dahil ito ang sisira ng iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan, huwag mapikon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 20, 21 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw kung ano ang tugtog. Maging sa sarili hindi nakakatiyak kung ano ang dapat gawin at kung ano ang tama sa mali. Dapat mag-relax sa pamamasyal o manood ng sine upang makasagap ng magandang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 7,15, 23, 34 at maroon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –Upang maging tagumpay sa trabaho, busisiin ang lahat ng detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag ikahiya ang magtanong. Umaayon ang panahon sa pagsasaliksik ng mga bagay na wala sa kaalaman. May pagkakataon na sasalungat ka sa gusto ng iba at igigiit ang sariling katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 18, 38 at cream

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with