^

Kutob

Oktubre 1, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Unlimited komunek sa makapangyarihang Manlilikha, Kaya huwag magdalawang-isip. Taimtim na panalangin ang susi.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag gaanong magmataas ng pride. Maging tapat tungkol sa inyong kalagayang pinansiyal. Maaaring may makatulong kung magiging tapat at hindi maglilihim. Lucky numbers at color for the day ay 1, 23, 29, 42 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung hindi mag-iingat, magkakaroon ka ng koneksiyon sa mga taong tuso at mapagsamantala. Maaaring hindi ikaw ang makinabang sa iyong pinaghihirapan kung magiging pabaya. Gamitin ang talino sa bawat hakbang. Ingatan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 24, 35 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mapapatunayan mo ngayon sa lahat na nagkamali sila ng impresyon sa iyo. Malamang magkakaroon ka ng negosasyon na may kinalaman sa pera o ariarian. May darating na kapamilya na maaaring may dalang surpresa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 25, 31, 43 at light blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Makakaasa ka ng pangako tungkol sa mahalagang impormasyon na kailangan. Kung may binabalak na paglalakbay, maunlad na araw upang isakatuparan ito. Malamang makakadalaw sa isang malapit na kaibigan o kamag-anak na matagal ng hindi nakikita. Walang magiging pagbabago sa takbo ng relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 31 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magkakaroon ka ng malaking dahilan upang makaiwas sa mga regular na gawain. Harapin ang pag-unwind upang magkaroon ng panibagong enerhiya sa kalusugan at magandang pag-iisip. Magiging maunawain at sensitibo ang nakakataas. Masuwerte ka sa kasalukuyang karelasyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 38 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Makakaramdam ng panghihina at kawalan ng gana sa pagtratrabaho. Kung ano ang hirap na dinanas, huwag sumuko dahil abot-kamay na lang ang tagumpay. May magandang katuparan na aagaw ng atensiyon at pagpapahalaga. Lalo kang mai-in-love sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 28, 36 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat dahil magkakaroon ng balakid ang pinaplanong negosyo o transaksiyon. Kung may kasosyo, mag-ingat dahil baka magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa mga kapalpakan o kapabayaan. Kung magkakaroon ng suliranin sa umaga, makakabuti ang magrelaks muna at I-pospone o I-cancel ang mga appointments. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 17, 34 at apple green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag mabahala kung walang naririnig na balita tungkol sa legal matters, dahil ito ay tatakbo nang matiwasay. Maaaring makatanggap ng good news mula sa kamag-anak o matalik na kaibigan. Kung may balitang matatanggap, tiyakin na mapagtuunan ito ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 27, 38 at violet.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mag-ingat dahil ikaw mismo ang gagawa ng sariling kapalaran. Kung may pagdududa sa ginagawa, huwag ituloy dahil babala ito ng kapalpakan o pagkakamali. Mag-ingat sa kakainin dahil magiging mahina ang panunaw at madaling masira ang tiyan o sikmura. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 21, 35 at orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iwasan ang maging mapagpuna at mapaghusga sa mga nasasaksihang pangyayari. Kung ano ang masaksihan na hindi maganda mula sa kapwa, huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Panahon ngayon nang pagbabago ng sarili sa hindi magandang ugali. Lucky numbers at color for the day ay 4, 20, 35, 43 at blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magiging mahalagang asset ang kaalaman sa sining na dapat simulan ngayon ang pagpapayaman. Kung may balak na pagnenegosyo, ngayon dapat simulan at tiyak na matatamo ang kaunlaran. Malamang maging isang mediator ka sa dalawang kaibigan o kamag-anak na hindi nagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 32, 45 at gold.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mararamdaman ang paghina ng negosyo kaya agapan ang paghanap ng tamang solusyon. Gumawa ng makabagong gimmick upang ito ay muling umunlad. Nasa sariling pagsisikap ang ikakaunlad ng negosyo o posisyon sa trabaho.  Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 34, 40 at purple.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with