^

Kutob

Setyembre 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng tinatamasa ko, ang pamilya, mga materyal na bagay, maging ang buhay ko ay kaloob ng Manlilikha ko. Siya ang bahala sa akin.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang maglakbay ng malayo. Ipagkasya o ilagay sa budget ang anumang gastusin. Kahit papaano, magiging masaya kung tulung-tulong ang buong pamilya sa gawain. Sa negosyo, magiging maunlad ang pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 34, 38 at beige.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang kalagayang pinansiyal ay may magandang kinakaharap at nasa tamang landas ng kaunlaran kung dadagdagan pa ng ibayong sikap at tiyaga. Anumang plano ngayon ay dapat ituloy upang anihin ang tagumpay. Huwag isubo ang sarili sa walang kabuluhang lakad ng barkada. Lucky numbers at color for the day ay 10, 28, 35, 43 at honey yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Sa anumang gawain, sipag at tiyaga ang dapat pairalin. Matataranta sa pagsisimula ng araw dahil sa halos sabay-sabay na pagsusulputan ng problema. Kalmahin ang sarili at sisiw lamang pala ang mga problemang ito. Gamitin mo ang iyong psychic power. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 31, 35 at golden brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Panatilihin ang pagiging maunawain at mapagbigay. Araw ngayon ng pagpapatawad. Makakaramdam ng kirot at pananakit  ng balakang subalit huwag mabahala dahil sanhi lamang ito ng lamig at init ng panahon. Kumunsulta sa medical specialist. Lucky numbers at color for the day ay 19, 25, 35, 40 at silver.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Isang matalik na kaibigan o kaanak ang magbibigay ng malaking problema. Posibleng masangkot sa napasukang gulo ng kaibigan o kaanak. Kung sadyang kapos sa pera, walang masama kung magsabi ng totoo sa kinauukulan. Maging matalino sa pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 35, 39 at fuschia.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Matutong magdesisyon nang mabilisan at tiyak. Iwasan na laging nakasandal sa mga detalye at humanap ng sariling mga ideya upang maipakita ang taglay na kakayahan. May pagkakataong matapos ang gawaing matagal nang napabayaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 34, 44 at ivory white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang pagkalulong sa sugal o ibang laro ng pakikipag-sapalaran ang magsisilbing balakid sa pag-unlad. Kahit sa pamumuhay, makatuwiran lamang kahit papaano na bigyan ng kahit kaunting kaligayahan ang sarili at pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 28, 34, 42 at royal blue.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging matalinong hakbang ang pansamantalang paglayo sa mga masasamang kaibigan. Ang payo ng higit na nakakaalam ay mahalaga. Huwag hintayin ang pagdating ng isang kaibigan na inaasahang dadalaw at tiyak na hindi ito matutuloy. Lucky number at color for the day ay 9, 25, 28, 32 at jade green. 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maging matatag sa gagawing pagpapasya. Huwag malito sa iba’t ibang payong maririnig mula sa kaibigan. Sa pag-ibig, ang hindi pagkakaunawaaan ay mauuwi sa paghihiwalayan o pang matagalang tampuhan kung hindi ito aagapan ng solusyon. Lucky number at color for the day ay 5, 20, 29, 37 at yellow gold.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May mga kamag-anak na handang tumulong at dumamay sa suliranin. Ang mga kaibigan ay handang tumulong kung kakailanganin. Ang kalusugan ay humihingi ng karagdagang pansin. Iwasan ang pagkaing mamantika. Lucky number at color for the day ay 17, 21, 32, 40 at baby pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Walang magiging suliranin sa trabaho at pamilya. Magiging balanse ang mga oras sa lahat ng bagay. Ang makipag-ugnayan sa mga kaanak ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 33, 42 at violet.  

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang magalit o mabilis na pag-init ng ulo. May pagkasensitibo ang isang nakakatandang kaanak na mangangailangan ng iyong pang-unawa. Maaaring magdulot ng sama ng loob ang kaibigan o kaanak. Lucky number at color for the day ay 12, 16, 40, 43 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with