^

Kutob

Setyembre 21, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ako mangangamba, dahil walang maitatago sa mata ng makapangyarihang Manlilikha. Bawat isa ay susukatin, ayon sa kanyang gawa.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Walang ma­giging problema sa salapi. Papabor sa mga plano mo ang lahat nang magaganap. Maromansang gabi ang naghihintay sa inyo. Magrelaks kasama ang pamilya. Mag-aral ng responsibility parenting. Lucky number at color for the day ay 5, 8, 32, 42 at dark green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sikaping maging maagap sa lahat ng bagay. Hindi lubhang magiging abala sa trabaho, ang panahon sa pagpaplano ang susunod na hakbangin. Ang pakikipagtulungan sa mga kasamahan ay daan para maging maligaya at mapalapit sa isa’t isa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 25, 34 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ma­ging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Mahihingan ng payo ang matalik na kaibigan. Ang suliranin sa loob ng tahanan ang magbibigay ng pagkainis at kalungkutan. Lucky number at color for the day ay 3, 18, 25, 37 at cream.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Paglaanan ng panahon ang pamamahinga. Iwasan ang labis na kapaguran dahil kalusugan ang maririndi. Malulutas ang ilang bagay na gumugulo sa isipan. Huwag magpadalus-dalos sa pagdedesisyon nang hindi magsisisi sa bandang huli. Lucky number at color for the day ay 2, 7, 33, 34 at dollar green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Anumang binabalak ay maisasakatuparan. Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal. Ang kabutihang nagawa ay may kapalit na biyaya na malamang ngayon matanggap. Ang suliraning taglay ay malulutas. Lucky number at color for the day ay 9, 16, 22, 38 at lemon green.  

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Pag-ukulan ng panahon ang obligasyon sa pamilya. Ang pakikipagtulungan sa pamilya ay mahalaga. Huwag agad maniwala sa mga tsismis na maririnig. Pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho at nandiyan ang pakinabang at kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 20, 33 at garnet red.  

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Umaayon ang panahon at pagkakataong  maisaayos ang personal na problema. Nasa tamang landas para mapaunlad ang kalagayang pinansiyal. May pagkakataong madagdagan ang kinikita. Lucky number at color for the day ay 4, 18, 34, 45 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magiging maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte ang negosyo. Sa mga binata’t dalaga, ang pakikisalamuhang sosyal ang magbibigay ng pagkakataong makilala ang soulmate. Masaya ang buhay pag-ibig kung iiwasan ang sobrang selos. Walang magiging problema sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 24, 35, 42 at purple.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging mabunga at kasiya-siya ang panahon kung ilalagay sa ayos ang lahat. Malulutas ang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan. Malilimot nang ganap ang hindi pagkakaunawaan sa isang kasamahan. Lucky number st color for the day ay 4, 14, 17, 24 at cobalt blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Huwag umasa sa tulong ng iba. Iwasan ang makapagbitiw ng masasakit na salita na makakasakit sa kapwa. Magkakaroon ng magandang kapalaran sa larangan ng pag-ibig. Lucky number at color for the day ay 7, 17, 18, 35 at golden brown.

CANCER (Hunyo 2- Hulyo 22) – Umaayon ang maikling paglalakbay lalo na kung may kinalaman sa trabaho. Pagsikapang maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan o pinapasukan. Mahalagang makatiyak sa anumang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 6, 9, 15, 36 at scarlet.  

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Matutuklasan ang isang lihim. Nasa tamang landas na ang magandang kapalaran tungkol sa negosyo. Nakalaan ang masayang pagniniig. Ang minamahal ay malambing at mapagmahal. Magagamot ang sakit kung may dinaramdam. Magpa-medical check-up. Lucky number at color for the day ay 8, 10, 16, 35 at red.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with