^

Kutob

Setyembre 6, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tanging nasa kamay ng Manlilikha ang bawat bukas. Kilalanin Siya, magtiwala at sumunod sa kalooban Niya nang makamit ang bawat pagpapalang hinahangad.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ilang pagbabago sa trabaho ang makapagpapalito sa iyo. Piliting matutunan ang mga pagbabagong ito para matapos na rin ang kalituhan. Mag-ingat na makasali sa mga problema ng iba dahil baka pati ikaw ay maapektuhan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 28, 35 at beige.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mararamdamang tila walang patutunguhan ang buhay pero hindi dapat mag-isip ng negatibo. Makakabuting maglaan ng oras para makapag-isa, suriin ang sarili kung ano ba talaga ang nangyayari at kung ano sa tingin mo ang kulang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 24, 39 at purple.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tiyakin na ang mga binibili ay yaong mga kailangan lamang at hindi iyong basta-basta magustuhan lamang para sa sarili. Hindi ngayon ang tamang oras para mag-aksaya ng pera. Iwasan ang paggastos sa mga bagay na walang kabuluhan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at gold.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maglaan ng panahon sa sarili. Hindi makakabuti ang ginagawang sobrang pagpapagod. Kailangang paminsan-minsan ay lumabas nang makita ang kagandahan ng paligid at hindi laging nakakulong sa isang lugar lamang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 20, 34 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magbubunga na ang lahat ng pinaghirapan. Magiging maganda ang takbo ng buhay ngayon kaysa nitong mga nagdaang buwan. Matutong mag-ipon para hindi na muling magipit. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 45 at cannary yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Manatiling tapat sa minamahal. Kung may nais mang sabihin dito, huwag mangiming magsalita. Gaano man kalungkot ang mga balita, pag-aralan niya itong tanggapin. Gayundin, gaano man kasaya ang hatid mo, asahan na mas doble pa ang kasiyahang madarama niya para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 21, 30 at baby pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Isang dating kaklase, kaibigan o kamag-anak ang kay tagal nang nagnanais na makausap ka pero lagi mong iniiwasan. Anuman ang dahilan ng pag-iwas, makakabuting kausapin na siya. Walang mangyayari kung patuloy na magkikimkim ng sama ng loob sa taong nagpapakumbaba na. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 39, 41 at cream.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May magandang balita na darating sa iyo. Ito ay maaaring may kinalaman sa bagong trabaho o bagong matututunan. Matutuwa sa nakatakdang mangyayari sa iyo. Anuman ito, isa lang ang tiyak… isang napakagandang hinaharap ang nakatakda para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 36 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Malaking pagbabago ang nakatakdang mangyari sa buhay. Mapagtatantong kaya palang paunlarin ang sarili nang hindi nakakaperwisyo sa iba. Positibo ang hatid ng hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Labanan ang katamaran dahil kung hindi, walang matatapos na gawain. Alisin sa sistema ang madalas na ikatuwirang mahaba pa ang oras. Dahil hindi mamamalayan ang pagtakbo nito na nasasayang lamang. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at lilac.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kalimutan na ang nangyari kahapon. Ang mahalaga ay ang ngayon. Isipin lagi na may mga bagay talagang nangyayari nang taliwas sa nais o inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at sapphire blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malaki ang tiwala mo sa sarili ngayon na makakaya ang lahat. Lalo pang lalaki ang tiwala sa sarili kapag nakita na ang katapusan ng isang proyektong ginagawa. Tiyak na mapapagod nang husto pero hindi ito iindahin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with