^

Kutob

Agosto 27, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Nakahanda na akong maranasan ang pagkilos ng Manlilikha ko sa buong araw.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Bigyang halaga ang mga suliranin pang tahanan. Isaayos ang mga ito dahil lalala kung hindi aaksiyunan kaagad. Ang pagbago ng masamang ugali ay malaking tulong sa ikakaunlad ng kabuhayan. Ang positibong pakikipag-usap ay nagpapakita ng tunay na saloobin at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 39 at neon green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang anumang argumento dahil magiging malapitin ito sa iyo ngayon. Magiging masigla at magaan ang iyong pakiramdam sa umaga, subalit matamlay sa dapit-hapon dahil sa pagod o inis. Ang pag-uwi ng maaga ay magiging kagalakan ng pamilya. Maaaring isang anak ay may suliranin sa pag-aaral o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 7, 22, 35, 40 at aqua blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag mag-react kaagad sa mga pangyayari at mabuting pag-aralan muna ang mga bagay tungkol dito bago magbigay ng komento o katuwiran. Kung magmamadali o magpadalus-dalos ka ng desisyon, malamang ikaw ay magsisi. May good news kang matatanggap ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 16, 31 at yellow gold.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Malamang may susubok ng iyong pasensiya, kaya gamitin ang matinong pag-iisip at hinahon. Sisirain ang iyong mood sa buong araw kung magiging mainitin ang iyong ulo. Paglabanan ang kapusukan upang maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 38, 42 at jade green.         

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Makakaharap ngayon ang suliranin ngunit sa taglay na kahinahunan at katalinuhan, ang lahat ay magiging maayos. Balikatin ang anumang responsibilidad sa gawain nang buong husay dahil dito nakasalalay ang iyong kinabukasan. Ang aktibidad na sosyal ay maaaring makapagbukas ng landas ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 26, 39 at pale yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Tumatahak sa tamang daan ang katuparan ang iyong pangarap sa pag-ibig. Huwag padala sa mga matatamis na salita at baka maloko ka lamang. Iwasan ang maging mainitin ang ulo at baka maaksidente o masangkot sa hindi pagkakaunawaan. Makikita ang nawawalang gamit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 32, 34 at orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Iwasan ang anumang hakbang na may kinalaman sa pagpapautang ng pera. Lihim na paghanga at pag-ibig ang kanyang nararamdaman sa iyo at upang malaman, talasan ang pakiramdam dahil nasa harapan o nasa tabi mo lamang siya. Lakasan ang pakiramdam, talasan ang pandinig at may matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 27, 40 at maroon.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Sikapin na maging kagiliw-giliw dahil kung kumikiling ka sa pagmumukmok sa isang tabi, hindi mo magagawa ang mga binabalak na sana’y may dalang kabutihan at kaunlaran. Isang hindi pagkakaunawaan ang magaganap dahil sa tsismis kung hindi iiwasan. Ang mga plano tungkol sa pinansyal ay kailangan ng pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 6, 32, 34, 38 at royal blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mag-ingat sa mga taong makakasalubong sa paglalakad at baka matangay ang cellphone, kuwintas o anumang mahalagang suot. Ma­ging handa sa pagtanggap ng tulong na kusang lalapit sa’yo. Ang paghanga sa matuwid na gawin ang magiging gabay sa iyong kaunlaran. Angkop ang paglalakbay sa malayo o malapit. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 30, 41 at fire red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag padala sa sulsol at tsismis upang hindi sirain ang iyong magandang araw. Iwasan na tumanggap ng anumang pabuya dahil ito ang sisira sa iyong pagkatao. Iwasan ang madidilim na lugar kung naglalakad sa gabi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 33, 35 at pearl white.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Sa takbo ng panahon, ngayon maging praktikal. Ang makipagtulungan sa kasama ay may ganti na magandang samahan. Magkakaroon ng magandang pagkakataon sa trabaho o gawain. Iwasan ang makapagbitiw ng masasakit na salita nang walang maghinanakit. Umaayon ang panahon sa paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 25, 35 at dollar green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Taglay ang katalinuhan na makapagbibigay ng magandang halimbawa sa iba. May pagkakataon na makatanggap ka ng bagong impormasyon tungkol sa negosyo o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 12, 15, 28, 40 at sky blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with