^

Kutob

Hulyo 24, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon
Hulyo 24, 2017

Pagtitibay: Ang lahat nang mabuti ay mula sa Maykapal, dahil Siya ay mabuti. Nananalig ako na magiging mabuti ang lahat sa buong linggo.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –  Tama ka sa gagawing desisyon kung ang hangad ay kabutihan. Ngunit kung ang desisyon ay sa kasamaan, huwag ituloy dahil sarili ang mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 12, 27, 30, 42 at blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Maganda ang mga plano ngunit dapat ipagpaliban itong gawin. Dahil lamang ang kapalpakan kaysa maging matagumpay ito. Mag-relax. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 35, 37 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Malaking tulong ang magagawa ng iyong payo dahil maliliwanagan ang maling akala nang mapagpapayuhan. Huwag tanggihan ang taong lalapit na kailangan ang iyong tulong kung kaya namang ibigay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 39 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magdadalawang-isip ka sa iyong gagawin. Huwag basta sugod nang sugod na hindi tiyak ang mangyayari. Mahalaga pa rin ang kaligtasan ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 27, 40 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kung nagdadalawang-isip ka sa gagawin, huwag ituloy dahil babala ito nang kapahamakan. Malaki ang pagkakataon na makagawa ng bagay na hahangaan o magdudulot ng kapalpakan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 33, 40 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Normal na may suliranin ang isang tao. Kung hindi maisip ang dapat na maging solusyon, kumunsulta sa psychic. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ay 21, 26, 39, 41 at brown. 

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Matamis ang ano mang tagumpay kung ito ay pinagsikapan at pinaghirapan. Tugma na magsariling sikap ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 33, 40 at bold yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Kung anuman ang makita at marinig, itikom ang bibig kung wala rin lang itong bu­ting idudulot sa’yo o sa kapwa. May pagkakataon na mas mainam ang manahimik kaysa maging dahilan ng gulo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 34, 39 at jade green.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang mga daliri kailan man ay hindi pantay, gayundin ang tao, walang magkakatulad. Huwag magsalita ng bobo sa kapwa lalo na sa mga anak dahil pinapahina mo lamang ang damdamin nila. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 41, 44 at neon green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung sagana ka ngayon, maglaan dahil may kakaharaping gastusin na hindi ina­asahan. Ang buhay, kung minsan ikaw ay nasa ilalim pero may panahon na nasa ibabaw. Lucky numbers at color for the day ay 20, 39, 40, 42 at aqua blue.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) –  Nasa tamang landas ka nang kaunlaran kung itutuloy ang iyong mga balak. Simulan ang pagkilos at paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 32, 33 at red.

CANCER (Hunyo 22-Hul­yo 22) – Wala kang dapat alalahanin dahil halos lahat ay tatakbong matiwasay. Kung may kaunting problema, madali itong maaayos. Lucky numbers at color for the day ay 22, 25, 33, 39 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with