^

Kutob

Hunyo 12, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mananatili akong positibo, gaano man kanega­tibo ang iba sa paligid ko.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Hindi umaayon sa araw na ito ang pagbabakasakali dahil malayo sa iyo ang suwerte. Unahin ang paghahanda sa mga kakaila­nganin sa binabalak na pagbabiyahe. Dahil dito nakasalalay ang oportunidad na magpapabago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 45 at metallic gray.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Pasalamatan ang mga taong nagbigay ng mahalagang payo o tulong. Sila ang naging hagdan sa kasalukuyang kinatatayuan mo. Kung maaari, bahagian sila ng iyong tagumpay sa pamamagitan ng regalo. Ang pagbabalik-tanaw sa pinanggalingan ay malayo ang mararating. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 27, 35 at bright yellow.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Huwag ituring na kahinaan ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na nais malaman. Dahil dito nakasalalay ang anumang proposisyon sa buhay. Iwasan ang magkunwari o magdunung- dunungan. May dapat kang alamin tungkol sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 38, 39 at olive green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Malalaman mo ngayon kung ano talaga ang totoong katayuan ng damdamin na inuukol sa sinisinta. Isang bagay ang mangyayari at ito ay ikaliligaya mo o ikalulungkot. Magiging matamis, masaya o malungkot ang inyong pagtitinginan ng kapareha. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 26, 37 at flaming red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magsimulang pagsisihan ang mga kasalanang nagawa upang hindi pamarisan ng iyong kapamilya o maulit ng sarili. Aani ka ng lubos na respeto at paghanga sa iyong gawain. Huwag mangako kung hindi kayang tuparin para maiwasan ang kompromiso. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 22, 35 at cannary yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Magiging matensiyon ang araw na ito sa iyo. Makikilala mo ang mga taong sumisilip sa iyong mga kapintasan o pagkukulang. Inggit lamang ang nagtutulak na gawin ito sa iyo kaya huwag magpaapekto. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 33 at golden brown.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-ingat sa mga taong nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa iyo. Sila ang mga taong nagpapapansin lamang. Sa pagiging kalmado, ikaw pa rin ang mapapabuti sa bandang huli. Anumang bagay na simulan, pag-aralan muna ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 26, 31 at lavender.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Malaki ang pagkakataon na maipamalas ngayon ang angking talento. Malamang dito ka makilala upang umunlad ang buhay. May taong tutulong hanggang matagpuan ang dapat mong kalagyan. Dagdagan ang sipag at tiyaga nang makamit ang hangad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 21, 42 at red orange.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May kagandahan at kapangitan na pangyayari ang mararanasan. Maging maagap upang mahadlangan ang mga bagay na hindi maganda. Kumilos nang naaayon sa idinidikta ng iyong mga pangangailangan. Huwag magpatangay sa sulsol at paninira ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 37, 40 at royal blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mahaharap mo ngayon ang matagal ng planong paglilinis ng bahay at kapaligiran. Huwag bigyang pansin ang maririnig na intriga upang maiwasan ang basag-ulo. Isipin ang mga kapamilya na siyang malaking kayamanan kaysa sa kasiyahan na pansarili lamang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 29, 40 at dark red.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Ang likas na pagiging tahimik ngayon ay makakabuti. Iwasan ang anumang masamang usapan o kaguluhan sa labas ng bahay. Makakabuti ang magpahinga at bigyang panahon ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 26, 35 at apple green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Tuturuan ka ng leksiyon ng isang madamdaming pangyayari na iyong masasaksihan ngayon. Mahalagang pakinggan ang ibinubulong ng konsensiya tungkol sa hakbang na gagawin. Itikom ang bibig hinggil sa opinyon ng iba upang hindi mapaaway sa mga taong nasa paligid. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 28, 33 at olive green.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with