^

Kutob

Hunyo 27, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mangyari man ang hindi inaasahan, laging ma­aasahan ang Maykapal na may likha ng lahat sa mundo.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May lunas ang ma­tagal nang gumugulo sa isip at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Magdoble ingat, malamang may kaibigang maghuhudas. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 28, 36 at avocado green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Sa gawa at wala sa sa­lita makikita ang tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbibigay ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa, kung may iuuwing pasalubong si mister o si misis, magiging matatag at maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahi­rapan, dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Kung may planong gagawin para sa kaunlaran, simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan, subukan ang iyong pasensya sa dapit-hapon o gabi. Pairaln ang pagkamahinahon nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga sa tungkulin o pagsunod ng mga payo ng magulang o guro. Kung nag-aaral, ang nagsisikap ay may gantimpala na mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 at lemon green.

SAGITTARUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung hangad ang mataas na grado, simulan ang magsikap sa pag-aaral. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan attagumpay. Ugaliin na hindi mahuli sa oras ng pasukan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 at lavender.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kakapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasan ang mabasa ng ambon o ulan at matuyuan ng pawis. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at gray.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Walang  maa­asahan na tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Kung may kaila­ngan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang ma­ganda, matutuwa ka sa hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 42 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang hindi magandang mangyayari kung magiging alerto at hindi magdedesisyon nang walang masusing pag-aral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang transaksyon o meeting. Lucky numbers at color for the day ay 16,29, 36, 37 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) Sa mga naga-apply ng trabaho, lalo na patungong abroad, inaayunan ng pa­nahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ang mga lakarin sa hapon ay huwag ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Aksiyon dapat at hindi panay salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hindi sinasadya na may matutuklasan na lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot, panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang masakit na biro upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lumalandas sa tamang daan ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung kasamaan ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Upang maiwasan ang hindi magandang pangyayari, huwag paunlakan ang paanyaya ng kaibigan o bar­kada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with