^

Kutob

Hunyo 3, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipinagpapalasamat ko sa Maykapal ang mga pananadya sa buhay ko dahil, pinatatatag ako nito.

GEMINI (Abril 21- Hunyo 21) – Kailangan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang hakbang na may kinalaman sa pera. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran o makakabayad sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang payo tungkol sa pinansiyal ay isaalang-alang. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad at makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang magmadali sa pagpapasiya ay maglalagay sa’yo sa panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pagpapahinga at pag-aalaga. Maaaring may payo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Kailangan mag-ingat. Simulan ang magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan dahil magbibigay kasiyahan ang ganitong gawain. Sa paraang mahinahon, ang suliranin na sangkot ang kasamahan sa trabaho o sa tahanan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok upang may magamit kung may kailangan sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyari. Magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tama ang panahon sa pagpapayaman ng talino at kaalaman. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pagpapasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Taglay ang liwanag at malikhaing isip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Matatapos ang gawaing sinimulan nang walang hadlang o abala. May hindi inaasahang pangyayari na magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi dahil malaking tulong ito ngayon. Hindi tama ang pagwawalang-bahala sa taglay na suliranin. Dapat kumilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan o mag-ingat sa mga mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. May pagbabagong mangyayari na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magsabi ng tapat at totoo. Patunayan ang katapatan sa kapwa at sarili. Iwasan ang magsinungaling dahil mawawala ang tiwala ng kapwa. Maaaring may pagsubok mula sa trabaho o relasyon. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang kumplikasyon tungkol sa salapi sa mga nagdaang araw ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang usapan na walang halaga dahil masasangkot ka lang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at blue.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag padala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa babae, ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with