^

Kutob

Mayo 31, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tunay na walang permanente sa mundo. May mga umaalis at may adjustment. Pero nagtitiwala ako na ang plano ng Maykapal sa buhay ko ay hindi magbabago.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magtatagumpay ka sa iyong gawain kung hindi ipagpapaliban. Aksiyon kaagad ang kailangan para matamo ang tagumpay na hinahangad. Ang gawain na hindi magagalaw ngayon ay magiging walang silbi kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 14, 41 at Neon.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Makatarungan ang iyong gagawin kung ipaglalaban ang prinsipyo at paninindigan. Ang suhestiyon ay dapat tanggihan dahil ikaw ang masisisi sa mangyayari, gaano man katamis ang mga salita. Huwag paniwalaan dahil malalagay ka sa hindi magandang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 07, 08, 29, 37 at Sky blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung nag-aalinlangan ka sa iyong gawain, huwag matakot na ituloy dahil magtatagumpay ka. Lakas ng loob at determinasyon ang kulang sa iyo. Kung magiging matatag ka ito, ang landas ng iyong tagumpay. Baguhin ang ugaling urong-sulong. Lucky numbers at color for the day ay 04, 06, 40, 43 at Aqua blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Naaayon ang pagsasaliksik sa mga bagay na dapat malaman. Kung isa kang abogado na may ipinaglalabang kaso, kailangan ang magsunog ng kilay para maipanalo ang kinakampihan. Sa mga nag-aaral, ang pagsusulit o examination ay hindi maiiwasan ngunit maaaring  hindi makapasa kung paghahandaan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 02, 09, 32, 33 at Red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ngayon mo lakarin sa iyong boss ang matagal mo nang gustong mangyari. Madali kang maunawaan at mapagbibigyan. Kung may kailangan kang mahalagang bagay sa iyong magulang, kaibigan, kasamahan o kamag-anak,  ngayon mo sabihin at hindi ka matatanggihan. Lucky numbers at color for the day ay 08, 14, 36, 37 at Jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Nasa pagitan ka ng dalawang direksyon sa trabaho o sa personal na lakarin. Kung mas matimbang ang lakad na pang-personal, ilagay sa ayos ang tamang leave of absence.  Kung mag-awol sa trabaho, asahan na may mabigat na parusa. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 39, 40 at Brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maganda ang araw at walang ikababahala. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin at trabaho. Walang magiging problema sa tahanan, gayun din sa mga kasamahan. Maaliwalas ang buong paligid. Lucky numbers at color for the day ay 13, 21, 35, 39 at Indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mabibigla ka sa sasabihin sa iyo dahil hindi mo sukat-akalain na alam na pala ang iyong sekreto. Magpaliwanag kung kailangan upang hindi lumaki ang problema. Huwag idaan sa galit ang paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 36, 41 at Yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang pagdududa sa iyong minamahal ay huwag basta pagdesisyunan nang walang matibay na ebidensya. Kung sa tsismis nagmula ang mga balita, hanapan ng paraan para mapatunayan ng sarili. Alalahanin na dalawang bagay lamang ang dala ng tsismis, paninira o totoo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 23, 42 at Orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Anuman ang iyong binabalak, makakabuting pag-aralan muna bago gawin. Hindi sa iba nakasalalay  ang iyong tagumpay, kundi sa iyong sarili mismo. Kung napag-aralan at nakakatiyak sa resulta ng gagawin, ituloy nang buo ang loob at positibo ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 39, 40 at Red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung isa ka na may mataas na tungkulin, gamitin mo ang posisyon sa makatuwiran, makaturungang paraan. Tiyakin din na hindi ito lalabag sa batas ng tao at ng Diyos. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 30, 31 at Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Anumang pagsubok ang mangyari, malulusutan kung magiging mahinahon at paiiralin ang praktikal na desisyon. Huwag maging emosyonal. Dahil walang magandang desisyon na magagawa. Lahat ng problema ay may katumbas na solusyon, ito ang dapat hanapin. Lucky numbers at color for the day ay 20, 21, 36, 40 at Green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with