^

Kutob

Mayo 29, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ligtas, payapa at masagana ang buong araw na ito. Sapat ang grasya at habag ng Maykapal para sa lahat nang nagtitiwala sa kanya.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung may mapa-uunlakan,  tiyak na napakabuti mong tao sa kanya. Ngunit kung hindi mapagbibigyan at maraming paninira ang iyong aabutin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 24, 38 at Jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kabaligtaran sa inaasahan ang magaganap. Huwag kang umasa nang hindi masiphayo. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 38, 39 at Pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Dahil sa pag-ibig magiging masigla, maligaya at maraming magagandang bagay ang maipapasok sa isip. Himayin mo ang bawat detalye at pangyayari sa nakaraan upang matuklasan mo kung tama o mali ang napili mong ibigin. Lucky numbers at color for the day ay 22, 24, 39, 43 at Yellow.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Katungkulan sa pamilya, trabaho at dagdag na mga pabigat sa gastusin ang problema mo. Pero kung tutuusin, masuwerte ka pa rin sa iba, na sira na ang utak at palaboy-laboy lamang ngunit nagsisikap pa rin mabuhay. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ay 09, 10, 22, 23 at Scarlet.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag kang sasama sa mga taong may masamang bisyo. Kung nais umunlad, samahan ang taong mas mataas ang katayuan at maganda ang reputasyon sa lipunan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 31, 39 at Fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Hanggang kailan ka aasa sa iyong mga magulang, hanggang sa sila ba ay wala na? Huwag mong sayangin ang iyong mga pagkakataon. Dahil daranasin mo ang kahirapan sa darating na panahon. Masarap mabuhay kung pinatuluan ng sariling pawis ang tatamasahing kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16 , 25, 36 at Red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Nasa pagitan ka ng dalawang daan at nalilito ka kung ano ang dapat gawin. Sa ganitong sitwasyon, walang mas magandang pagbasehan ng desisyon kundi ang praktikal, kung alin ang mas matimbang gawin. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 28, 39 at Yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang iyong inaakala ngayon ay magkakatotoo. Kung inaakalang mababayaran ng may utang, singilin at tiyak mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19 , 32, 41 at Indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan, relax at dahan-dahan. Gamitin ang karisma, hindi ka mapahihindian sa pakay kung may kasamang ngiti at lambing sa pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 27, 36 at Rose red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May mga makakairitang bagay ang sasalubong sa iyo at kung papatulan, buong araw na tataglayin  ang init ng ulo. Huminga ng malalim at mag-relax muna saka pag-aralang mabuti ang mga bagay bago simulan ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 35, 37 at Violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung ayaw mapag-usapan, gumawa ng tama at huwag gumawa ng milagro. Atupagin ng maayos ang trabaho upang walang mapuna ang iba. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 21, 25 at Bright yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiiwasan, ngunit magagawang mabawasan ang pag-gastos ng sobra sa budget. Tiisin ang gastos na hindi kaya ng bulsa. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 28, 35 at Sky blue.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with