^

Kutob

Mayo 21, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: May katumbas na pagpapala ang bawat sakripisyo at ipinagpapasalamat ko na ang laan ng Maykapal ay laging pinakamabuti para sa akin.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May pagkakataon na makilala ang tamang tao na makakatulong ng malaki sa mga plano. Tama lang na simulan ang gawaing pag-iwas sa mga kaibigan na panay ang paglalamyerda ang alam gawin. Kung ipopokus mo ngayon ang iyong pansin, magandang kinabukasan ang tiyak na makikita. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 33, 41 at White.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang pagkawalang buto ng dila at labis na pagkaprangka ay pangunahing dahilan kaya iniiwasan ka ng mga kasamahan, kaibigan at maging  ng mga kalapit na kamag-anak. Baguhin ang ugali. Itikom muna ang bibig at isipin nang mabuti ang anumang sasabihin. Lucky numbers at color for the day ay 05, 09, 34, 42 at Violet.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung patuloy ang problema sa pera kailangang magtipid. Malaki ang matitipid kung magbabaon kaysa kumain sa fastfood center. Gamitin ang praktikal na paraan sa pagresulba sa kasalukuyang problema. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 27, 38 at Burgundy.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Puno ng tensiyon sa trabaho pero wala kang pangamba dahil handa ka at ginagawa mo nang buong husay ang iyong tungkulin. Ipagpatuloy mo ang iyong gawa dahil nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 32, 39 at Orange.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iturin mong napakasuwerte mo sa iyong kasalukuyang trabaho, na kahit maliit ang sahod kung ihahambing sa mga kaibigan na ang hangad ay malaking sahod, pero hanggang ngayon ay palamunin pa rin ng mga magulang. Ang kasalukuyang trabaho ay tamang landas nang pag-asenso sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 15, 27, 37 at Purple.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung isasaloob ang pagtitipid kahit pakonti-konti, pasasaan ba at mabibili rin ang gusto na hindi na kailangang mangutang. Iwasan ang mangutang lalo na sa 5-6 dahil sa akalang mareresulba ang problemang pinansyal ay lalo lamang daragdag sa problema ang pagbabayad sa laki ng porsiyento. Lucky numbers at color for the day ay 08, 14, 34, 40 at Aqua blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Piliin na panay kabutihan ang gawin o gagawin sa kapwa. Alalahanin na ang resulta sa ginawa ay makaka-apekto sa sarili at sa mga mahal sa buhay. Walang sino mang makakaligtas sa paniningil ng batas ng karma. Lucky numbers at color for the day ay 05, 09, 29, 41 at Sky blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang panglalamang sa kapwa ay malaking dahilan sa pagpapalubog sa hanap-buhay at landas na maghikahos, kaya dapat itong iwasan. Anuman ang naisin, mararating sa sariling pagsisikap. Huwag umasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 19, 26, 34, 40 at Green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag basta na lamang magtiwala sa kausap dahil isa sa mga ito ay bobolahin ka lamang. Maging praktikal, talasan ang pagmamatiyag at pakiramdam sa kapaligiran. Kung may gagawin, simulan kaagad at huwag haluan ng tsismis para matapos nang maaga. Lucky numbers at color for the day ay 13, 27, 28, 36 at Garnet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Maaaring makilala o makatagpo ang kapalit sa naglahong pag-ibig. Kung may darating na isang hindi inaasahang imbitasyon, huwag mag-atubiling paunlakan dahil daan ito nang tagumpay sa kahit anong larangan sa buhay. Kung may kaibigang aalis patungong ibang bansa, may pakiusap siyang hilingin na hindi mo matatanggihan. Lucky numbers at color for the day ay 02, 03, 35, 42 at Fuchsia.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag isubo ang sarili sa mga kompromisong alam mong hindi mo kakayanin. Simple lamang ang buhay kaya huwag gawing komplikado. Kung magiging mailap, matagal na makakamit ang hinahangad, makakabuting iwanan ito at magsimula nang panibago. Lucky numbers at color for the day ay 02, 13, 24, 39 at Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Nakasalalay sa iyong attitude ang ikagaganda nang iyong araw ngayon. Kung magiging mainitin ang iyong ulo at madali kang magalit, tiyak lalayuan ka nang kahit sariling anak. Kung palangiti at masayahin ka, tiyak kahit katulong ay magiging open sa’yo sa kanilang personal na suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 03, 10, 29, 40 at Maroon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with