^

Kutob

Mayo 17, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Binubusog ako ng Maykapal sa Kanyang grasya.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May maliit na hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan. Subalit hindi ka direktang kasali. Kung aayusin ang sigalot, tiyakin na hindi ka maka­kagulo. Pasensya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at Violet.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang kinatatakutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sagot sa pangangailangan. Tiyakin lamang na ang bawat gawain ay hindi labag sa batas ng tao at Diyos. Sipag at tiyaga ang sagot sa kakapusan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 29, 36 at White.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung makakatanggap ng regalo mula sa opposite sex, tiyak magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makilala na ang unang titik ng pangalan ay B, E o W, magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa kaibigang Capricorn dahil hindi kayo magkaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at Lilac.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang proyekto na hahamon ng iyong talino ang darating. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Tamang pag-aaral ang kailangan upang makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at Violet.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag igiit ang sarili sa ayaw sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at Indigo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magandang balita ang matatanggap. Hindi ka maunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin, kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Hawak mo ang bola ng tagumpay, nasa iyo kung ibubuslo mo sa goal o ipapasa sa katunggali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at Blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung gulung-gulo ka sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan at ito ang dinaranas ngayon, walang masama kung puputulin ito hangga’t maaga. Kumunsulta sa psychic upang may tamang gabay. Huwag magpakamartir. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at Brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang upang magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawain ngayon. Madali kang yayain pero ang pag-iingat huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at Pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang  gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Mag-ingat sa matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at Yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ano man ang gawain ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung naging ugali ang magpabaya, ngayon dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan ang buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at Beige.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Hindi maiiwasan ang argumento subalit maiiwasan ang mapaaway kung magiging mahinahon. Kung may hindi pagkaka-unawaan, sikapin na hindi mapasok sa kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at Jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maraming gawain subalit kailangan ang magpahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at Green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with