^

Kutob

Mayo 5, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Ipinagkakatiwala ko sa katwiran ng Diyos ang papalapit na eleksiyon. Manaig nawa ang kalooban niya na laging pinakamabuti para sa lahat.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ligawan muli ang iyong karelasyon para merong excitement sa inyong mag-partner. Isama siya sa pagta-travel para magkaroon ng bonding. Lucky numbers at color for the day 3, 22, 35, 41 at sapphire blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang mga activities ay tungkol sa health. Ang fitness ay magi-improve para sa iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day 15, 27, 44, 46 at peach.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Cooperative ang mga kasama mo sa trabaho. Darating din on time ang tao na tutulong sa iyong problema. Lucky numbers at color for the day 7, 19, 25, 47 at ­aquamarine blue.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mag-ingat sa paggamit ng iyong ATM baka ma-clone at manakawan ka ng malaking halaga. Masaya dahil dumating na ang love mo. Lucky numbers at color for the day ay 25, 29, 41, 44 at shocking pink.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Magkakaroon ng engagement proposal. Darating ang best friend mula sa abroad. Lucky numbers at color for the day ay 41, 47, 33, 25 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Patuloy ang daloy ng masaganang kabuhayan. Suriing mabuti ang business contract bago ito lagdaan. Alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 29, 33, 45 at magenta red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang selos ang pinagmumulan ng gulo. Tagumpay ang real estate deal. Merong surprise visitor na may dalang regalo. Lucky numbers at color for the day ay 21, 23, 35, 47 at navy blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Tatanggap ng performance bonus. Isang kamag-anak ang magre-reconnect muli sa pamamagitan ng facebook. Magiging masaya ang reunion n’yo. Lucky numbers at color for the day 15, 21, 25, 33 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Habaan ang pasensya dahil haharap ka sa nakakairitang customer. Ingatan ang alahas sa iyong paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 25, 33, 41 at lilac.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magi-sponsor ka ng fashion. Masaya ang iyong bonding sa kapamilya. Lucky numbers at color for the day ay 15, 11, 39, 47 at bright yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Matutupad din ang pangarap na maging viral ang iyong rap song sa youtube. Magkakaroon ng mata­gumpay na concert. Lucky numbers at color for the day ay 13, 27, 45, 49 at crimson red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magkakaroon ng ekstrang kabuhayan para makatulong sa iyong financial freedom. Exciting ang love life. Alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day 5, 22, 35, 42 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with