^

Kutob

Mayo 3, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Pagmamahal ang ilaan sa supling. Ipadama sa kanila ang kabutihan ng Maykapal.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kumunsulta sa psychic para magabayan ka sa desisyon na gagawin. Pahalagahan ang kanilang payo. Lucky numbers at color for the day ay 17, 29, 33, 42 at pearl white.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Marami kang mga donors dahil sa iyong matatag na paninindigan. Mabenta ang iyong creative expression. Lucky numbers at color for the day ay 27, 15, 22, 38 at indigo.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Humingi ng tulong. Hindi lahat ay magagawa nang mag-isa. Ibaba ang pride para makahingi ka ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 26, 33 at mint green.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mabilis mong matatapos ang iyong gawain dahil sa pagbati ng iyong crush. Inspired ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 32 39, 44 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Meron kayong deadline, kaya kailangan bilisan ang trabaho para matapos ang project. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 37, 43 at lilac.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Sundin ang work plan kahit merong mga hadlang. Habang ginagawa ang project, ang solusyon ay darating. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 335, 44 at lucky red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magmasid muna sa ikinikilos ng karelasyon. Uriratin ang text messages. Maging mahinahon sa reaksiyon kaugnay sa matutuklasang sikreto. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 17 at shocking pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Panatilihin ang paninindigan sa issue na ipinag­lalaban. Wagas na kasiyahan ang mararanasan kapag nanalo ka sa game of chance. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 27, 33 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahalaga ang bonding moment sa pamilya. Merong makikitang mahalagang bagay sa gagawing general cleaning. Lucky numbers at color for the day ay 28, 37, 41, 55 at peach.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa mga kasama mo na ang pagbibigay ng kanilang best para sa inyong project. Matutuklasan ang totoo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 39, 41, 49 at light yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magkakaroon ng kontrata sa isang landscape ng subdivision. Tagumpay ka sa ganitong gawain at merong kasunod na kontrata. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 43, 15 at crimson red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sikat ka, marami ang nais sumama sa iyo para kumita ng salapi. Malaki ang tiwala ng mga kasama na magtatagumpay ka sa iyong hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 35, 46, 49 at pink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with