^

Kutob

Pebrero 11, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Kapag may hadlang patungo sa tagumpay, huwag ka tumigil.  Sa halip ibahin ang direksiyon ng iyong efforts kung saan kayo tutungo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maglagay ng CCTV sa iyong tahanan kahit meron guwardya ang subdivision, malulusutan pa rin ng magnanakaw. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 37, 41 at old rose.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Puso mo ang masasaktan, dahil ang pag-ibig na iniiwan sa takbo ng panahon ang sadyang lumalapit para manakit. Unawain ang kalooban, pagmamahal ngayon ang dapat pagbigyan. Ngayon ang takdang panahon para pag-ibig ay tugunan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 15, 37 at ruby red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May tao na sadyang nakakairita. Kapag ito ay pinansin, masasayang ang iyong panahon. Upang maging produktibo ang iyong pagkakataon, ibaling ang atensiyon sa paggawa ng misyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 25, 29 at platinum pink.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Mula sa kabiguan, doble gantimpala ang kapalit, kapag ang pagnanasa ay hindi ipinilit. Lucky numbers at color for the day ay 9, 7, 13, 39 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Layunin ng sarili ang kasiyahan bilang expression ng pagmamahal. Alalahanin palagi ang mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 25, 33, 39 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kapag nainip sa gawain ngayon, i-drawing ang pangarap para marating ang inaasahan sa takdang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 35, 46 at baby pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kabiguan sa pag-ibig ang ikalulungkot mo. Pag-isipan ng mabuti at kumunsulta sa psychic. Magiging masaya ang future mo, mas maganda. Lucky numbers at color for the day ay 11, 7, 31,44 at mocha brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Pag-isipan bago sumali sa isang networking na negosyo. Dahil ang iba rito ay isang scam at malulusaw din ang salapi na pinuhunan dito. Lucky numbers at color for the day ay 5, 27, 33, 39 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang lalagdaan na kontrata ay maglalabas sa’yo sa iyong comfort zone. Kikita ng malaki katumbas ng iyong pagka-busy. Lucky numbers at color for the day ay 6, 26, 36, 41 at red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang aksiyon na ipinapakita ng karelasyon ay obvious na nawalan ng pagnanasa sa’yo. Kumunsulta sa psychic para maibalik ang inyong pagmamahalan. Lucky numbers at color for day ay 10, 23, 34, 17 at citrine yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magpakatotoo ka. Sabihin ang nasa kalooban at gamitin ang tamang salita upang wala kang masaktan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 13,29 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kapag magsa-shopping, iwan ang credit card at ATM sa bahay. Magdala lang ng sapat na cash, ito ang paraan para makontrol ang sarili sa pagka-shopaholic. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 22, 45 at lavender.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with