^

Kutob

Nobyembre 21, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang pagkilala sa Diyos ay pagsunod sa Kanyang mga salita.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggawa para maiwasang makasakit ng kapwa o magkamali. Dahil sa dalang kalituhan ng isip, nararapat na suriin at pag-aralang mabuti ang mga papeles na dapat lagdaan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 28, 39 at cream, white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad sa pagamutan para mailigtas ang buhay. May pagkakataon na magkakasalu-salo sa hapag kainan ang buong pamilya sa loob o labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sasalubungin ng matamis na ngiti at pagbati ang kasamahan. Subalit matatakpan ng makapal at madilim na ulap ang mga ngiti sa dapit-hapon dahil may dahilan para magalit. Iwasan ang mga tsismosa para hindi makapaghatid ng negatibong balita. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 19, 22 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang suwerte ay minsan lamang kakatok sa pintuan, bagay na hindi dapat paalpasin. Maging handa kung anuman ang darating. Kung inaakalang mabuti o ikauunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataong makakawala. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 14, 41 at sky blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang Taurus ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Leo ang maghahatid ng problema o sakit ng damdamin. Iwasan pansamantala ang mga kilalang Gemini dahil kapag may gulong naganap, hahantong sa hindi magandang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 13, 31 at red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nang dahil sa napabayaang suliranin ng pamilya, may mauungkat at pagsisimulan ng sumbatan. Posibleng bumabalik ang harmoniya kung magiging mahinahon sa pagpapaliwanag ng bawat panig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 23, 32 at neon green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging matamlay at walang sigla. Kung isang Sagittarius, hindi magkakaunawaan at malamang magkatampuhan. Kung Cancer o Capricorn, magiging aktibo sa pagkilos at masayahin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at sky blue.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Kung may usapan, huwag mainip sa paghihintay dahil ang kausap ay maaalinta ang pagdating. Anumang transaksyong gagawin ay dapat pag-aralan ng mabuti bago pumalaot. Hindi inaayunan ng panahon ang paglagda sa anumang mahahalagang papeles o kontrata. Kung hindi maiiwasan, mag-ingat nang hindi maloko. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 24, 34 at dollar green.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maaalala at matutupad ngayon. Magaan ang trabaho, pakikipagkapwa tao at ang pasok ng pera kung may negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 40 at yellow.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag pansinin ang maririnig na salitang makakapikon o makakaasar ng mga kasamahan o mga kaibigan, dahil inggit ang nag-uudyok sa kanila. Huwag patulan ang mga salitang masakit sa tainga para makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 39, 41 at dirty white.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Kung nakagawa ng kabutihan, kabutihan din ang babalik. Subalit kung nakagawa ng kasamaan, kasamaan din ang daranasin. Napapanahon para maibsan ang kasamaang nagawa sa pamamagitan ng pagsisisi at buong pusong pananalangin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 31, 39, 42 at pink.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Maganda at kapangitan ang lilitaw tungkol sa pribadong relasyon. Ngunit huwag mabahala at sa bandang huli ay magwawagi kung magpapaliwanag ng mahinahon. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 36, 37 at light gray.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

MGA

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with