^

Kutob

Setyembre 30, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa pamamamagitan ng dakilang pag-ibig ng Diyos, ang kagalingan sa kahit anong sakit ay tinanggap ko na.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Balansehin ang ginastos at kinikita. Gumawa agad ng paraan para maisaayos ito. Mahusay na pagba-budget ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 23, 36 at apple blue sapphire.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maging positibo sa pananaw sa buhay. Iwasan ang mag-isip ng negatibo. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil nasa tamang landas ka ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 13, 32, 41 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maging maingat, huwag maniwala sa sinasabi ng minamahal. Hayaan mong ipakita niya ang totoong pagkatao niya. May balakid sa binabalak mong gawin, pero magtatagumpay kung itutuloy. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 30, 39 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Isang matalik na kaibigan ang dadalaw sa iyo. May dala siyang pasalubong. Mag-ingat sa pagkain ng mga karne dahil ito ang magiging daan para magkaroon ka ng sakit sa puso. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 32, 41 at tangerine.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magta­tagumpay ka sa nais na mangyari sa pag-ibig kung walang bahid ng kasamaan ang pakay. Hindi mo mapapansin ang pananakit ng katawan dahil pag-ibig ang naghahari sa puso. Sisimulan mo ang bagong pamamaraan ng pagba-budget. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 37 at fiery orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Pag-aralang mabuti ang suhestiyon ng isang kaibigan tungkol sa problema mo. Kakailanganin mong mamili ng kaibigan para maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 15, 32 at ocean blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon sa araw na ito. Maaaring maging dahilan ito ng malaking pagkalugi sa negosyo o kapalpakan sa mahalagang bagay. Huwag agad maniniwala sa sabi-sabi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 17, 25 at blue gray.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging makakalimutin ka sa araw na ito. Kung kailangang isulat sa papel ang mahalagang bagay, gawin. May magbubunyag ng sikreto tungkol sa isang kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 28, 33 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magkakaroon ng pagkakabagot sa sarili dahil sa problema sa pag-ibig o kaya problemang mag-asawa o pinansiyal. Hindi mauunawaan ang mga pangyayari sa paligid na ang pakiramdam ay parang lumulutang sa hangin. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 36, 42 at cream.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ipaparamdam ng mga kaibigan ang kanilang pagtatampo sa iyo dahil sa hindi mo pagtupad sa ipinangako. Kaila­ngan mo nang magdesisyon tungkol sa nadarama. Matutong mag-sorry kung inaakalang nagkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 27, 34 at peach.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kaduda-duda ang ikinikilos ng iyong minamahal. Mayroon siyang gustong ipahiwatig sa iyo kaya maging alerto o kumprontahin para malaman mo. Kung ano ngayon ang nasa isip, ‘yun ang magaganap o mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 20, 30 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Lumapit sa isang kaibigan at magpaturo kung paano kumita ng malaking halaga, tiyak na matutulungan ka. Iwasan ang masamang bisyo o gawain na maaaring impluwensiya ng malapit na kamag-anak o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 15, 32 at pink.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ALIGN

ANG

COLOR

DAY

LEFT

LUCKY

NUMBERS

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with