^

Kutob

August 19, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa anumang gawain, ilakip ang pagsunod sa kalooban ng Dios para masiguro ang magandang resulta nito.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Suliraning pinansiyal ang bumabagabag subalit kung pagsisikapan, matutugunan dahil may makakatulong. Huwag sarilinin ang problema. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 32, 36 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ngayon mo mapapatunayan kung gaano katotoo ang karma. Kung gumawa ka ng kabutihan sa kapwa, may kabutihan kang matatanggap mula sa kapwa. Subalit kung gumawa ng kasamaan sa kapwa, may gagawa rin nito sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 27, 38 at cream.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung may hindi pagkakaunawaan sa relasyon, nakaamba ang panganib na maaaring magwakas kung hindi maaagapan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 27, 29 at white.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – May balakid sa mga binabalak ngunit mapapansin at maitutuwid kung pag-aaralan muna bago pumalaot. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 24, 34, 39 at aquamarine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Masaya mong sasalubungin ang umaga, ngunit mag-ingat sa makakati ang dila dahil ikaw ang pagtsitsismisan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 27, 39, 41 at ocean blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Makakahanap ka ng magandang solusyon sa iyong nagdaang suliranin. Pero may kakaharapin kang mas mala­king problema kung magpapabaya. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 37, 43 at red.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Huwag sarilinin ang balak na magtrabaho sa ibang bansa. Ikunsulta at hingin ang opinyon ng mga mahal sa buhay para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 24, 31 at violet.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Nakataya ang kinabukasan ng pamilya. Huwag magtiwala sa usapan lamang. Ilagay sa kasulatan kung ano ang napagkasunduan at gawing legal dahil kung ano ang mahalagang napag-usapan ngayon, may mala­king suliranin na darating sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 16, 24, 29, 34 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mahalaga ang kaligayahan at kapakanan ng pamilya kaya huwag ipagkait. Paglaanan ng panahon para mapanatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 22, 28, 30 at blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hangga’t maaga iwasan ang masamang impluwensya ng mga barkada. Kung magiging mapusok, madadamay ka sa kanilang masamang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 34, 42 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –Walang masama kung bababaan o isusuko ang pride kung talagang mahal ang isang tao at ayaw magkahiwalay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 31, 39 at orange.

CANCER (Hunyo 22 - Huly 22) – Magiging masaya ang iyong araw kung makakasama ang isang Leo o Pisces. Malamang makakatagpo ang iyong soul-mate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 33, 40 at brown.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with