^

Kutob

Agosto 2, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Kapit-tuko ang mabubuting bagay, kaya nag-uumapaw ang pasasalamat sa Maykapal na nagdudulot ng lahat ng ito sa’yo.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malamang yayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kung magkakataon, masaya ang kahihinatnan ng pagsasama. Huwag lamang mapag-usapan ang selos dahil magiging daan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 35, 42 at brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maipapaliwanag sa kasamahan na hindi mo layuning ipahiya o saktan ang damdamin niya kundi nais mo lang itama ang kanyang pagkakamali, na kung hindi mo gagawin ay tiyak magpapasama sa inyong lahat. Kung sasabihin ito ng maayos, asahan na mauunawaan ka niya. Lucky numbers at color for the day ay 19, 25, 36, 44 at mint green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Hindi maiiwasan na mapaiyak sa mangyayaring hindi kanais-nais. Walang masama kung umiyak dahil sa panghihina ng kalooban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa sumisikip na dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 39 at red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak na mahal ka pa rin sa kabila ng mga pagkukulang mo. Huwag lamang ang sobrang abuso dahil hindi sa lahat ng panahon ay mauunawaan ka. Magpasalamat na hindi pa siya sumuko sa iyong ugali. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 27, 43 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Sa iyong pakiwari, walang nakakaunawa sa nais mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa at tiwala. Isang kaibigan na kahit naguguluhan sa iyo ay hindi ka iiwan sa ere. Mananatili siyang nakaalalay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 33, 40 at emerald green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ihanda ang sarili na makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ka madadala sa problema nito dahil wala kang magagawang tulong kapag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 17, 32, 45 at beige.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Unahin ang higit na mahahalagang bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang manaig ang kasalukuyang depresyon dahil wala kang magagawa. Kung kikilos,  may solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 8, 22, 37 at maroon.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Piliting magpasensya kahit pikon na pikon ka na. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang galit. Tiyak na makapagsasalita ng hindi maganda at makakasakit ng damdamin ng iba kung hindi makakapagpigil. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 27, 39 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Sikapin kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan. Darating ang panahon na siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 34 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi kaya ng katawan ang magtrabaho. Mabuting magpahinga kung nakakaramdam ng pagod kaysa tuluyan pang magkasakit. Pahinga ang kailangan ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 23, 40 at peach.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makapag-isip ng maayos sa araw na ito. Kung may suliranin, huwag hayaan na hindi makapaghanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 35, 37 at light green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Wala kang dapat alalahanin kung may mga bagay na  hindi pa natatapos. Dahil kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ay 16, 24, 28, 43 at green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HINDI

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with