^

Kutob

Marso 6, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang hindi magagawa ang Dios para sa akin.

PISCES (Pebrero 19 Marso 20) - Kung may gustong sabihin, huwag patagalin dahil magbibigay ito ng suliranin sa kalaunan. Iwasan na magsinunga­ling. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 37, 40 at yellow.

ARIES (Marso 21 Abril 19) – Mapagtutuunan ng pansin ang mga kasamahan sa trabaho o tahanan. Mag-ingat sa kilos at pananalita para hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 35, 38 at gray.

TAURUS (Abril 20 Mayo 20) – Dahil sa mga obligasyon, pangunahing suliranin ang pera. Madali ang solusyon ng problema kung hindi magiging emosyonal dahil makakapag-isip ng magandang paraan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 23, 30, 41 at light green.

GEMINI (Mayo 21 Hunyo 21) – Maging handa sa hindi magandang pangyayari na darating. Alamin muna ang puno’t dulo bago magkomento. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 39 at lavender.

CANCER (Hunyo 22 Hulyo 22) – Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain sa loob at labas ng tahanan ay matatapos nang walang hadlang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at green.

LEO (Hulyo 23 Agosto 22) – Kadalasan sa pagmamadali, magkakamali. Kung sisimulan ang pagtuwid ng masamang karanasan, magbabago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 37, 41 at peach.

VIRGO (Agosto 23 Set­yembre 23) – Maging mahinahon kung magulo ang isip para madaling makapag-isip ng solusyon. Lucky numbers at color for the day 5, 13, 27, 40 at red.

LIBRA (Setyembre 24 Oktubre 23) – Ang transaksyon ay mabubuo. Iwasan ang mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan dahil ha­hantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 27, 35, 39 at blue gray.

SCORPIO (Oktubre 24 Nobyembre 22) – May pagsubok na magaganap, na kakailanganin ang talino at pag-iingat mula sa nakakataas. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 24, 42 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 Disyembre 21) – Iwasan na matali sa mahigpit na pangako dahil hindi makakatupad. Bigyang-halaga ang katuwiran at panig ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 16, 33 at aqua blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Iwasan  na ipagwalang-bahala ang oras. Dahil kapag ito ay lumipas, hindi na maibabalik pa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 35 at blue.

AQUARIUS (Enero 20 Pebrero 18) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin o tawad. Maganda ang pagkakataon para maisakatuparan ang matagal nang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAHIL

DAY

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with