^

Kutob

Pebrero 28, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hayaang maging ganap ang pag-ibig sa iyong puso, para dumaloy ang biyaya ng Dios sa buhay mo.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) Huwag kaagad magtiwala sa mga taong makakaharap ngayon. Isang kaibigan na may lihim na galit sa iyo ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 6, 37 at Emerald Green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Makakatanggap ng mahalagang balita o impormasyon na makapagpapabago sa istilo ng hanapbuhay. Magiging kasiya-siya ang pamimili o pagsa-shopping. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 40 at Pearl Pink.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maligayang romansa ang magaganap. Iwasan ang matali sa pangako na hindi kayang tuparin. Ang relasyong pampamilya ay mapagtitibay kung nanaisin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at Peach.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. May magandang suwerte sa pag-ibig. Inaayunan ng panahon ang makipag-date o ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at Avocado Green.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Huwag padala sa matin­ding bugso ng damdamin dahil mapapahamak ka lang. May magandang balita mula sa ibang bansa ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at White.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang kaibigan ang maaaring makadalaw. Magiging maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo. Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo o suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 24, 39 at Agate Green.

VIRGO (Agosto 23- Se­t­yembre 23) – Ang paglilingkod ng tapat ay kailangan sa pinapasukan. Patungo sa tagumpay ang nilalandas mo ngayon. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 40 at Orange.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) –Isang maligayang romansa ang magaganap. Ayusin ang mga schedule nang hindi magkabuhul-buhol ang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 34 at Crimson Red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ngayon ibuhos ang lahat ng kakayahan sa gawain. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. May mahalagang bagay na matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 25, 33 at Nile Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magplano ng maayos sa gagawin. Iwasan ang maging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay may kaugnayan sa paglilihi, high-blood o sakit. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 16, 33 at Coral Red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Magtatagumpay sa anumang mahirap gawin. Ang personal na gawain ay may hatid na pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 15, 28 at Electric Blue.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Ang anumang transaksyon ay magiging matagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Matutuklasan ang isang lihim na tagahanga. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 30 at Sky Blue.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

ISANG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with