^

Kutob

Pebrero 25, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mahal ko ang aking bayan, kaya kahit pinakasimpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay gagawin ko para sa kalinisan nito.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Huwag magpokus ng sobra sa isang bagay, mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at Green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat dahil may mamamangka sa dalawang ilog at ang isang ilog ay ikaw. Sadyang ipinagkaloob ang pag-ibig at walang masama kung umibig. Mag-ingat ka lang para hindi ka mabiktima ng mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 37, 42 at Jade Green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mag-ingat at maging alerto upang hindi maulit ang nagdaang pagkakamali. Humingi ng payo sa higit na nakakaalam upang magkaroon ng gabay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 24, 38 at Brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Iwasan na magmukmok sa isang tabi kung may problema dahil walang mangyayari at panay sisi lamang ang maiisip. Mamamangha ka sa resulta dahil may magandang solusyon kang mahahagilap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 34, 41 at Pink.

CANCER (Hunyo 22- Huly­o 22) – Hindi ngayon ang panahon para makamit ang hina­hangad. Huwag mawalan ng pag-asa dahil nasa tamang landas ang hinahangad kung dadagdagan ng sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 27, 33 at Orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mahalaga ang nagkakaisa sa tahanan at maging sa kasamahan at kaibigan; mangyayari lamang ito kung marunong makisama. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 23, 41 at Yellow.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Anuman ang gawin ngayon, ang lubos na pag-iingat ay huwag kalimutan. Ang pinakamahalaga ay kaligtasan ng sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 44 at Purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang mabisang sandata laban sa mga naiinggit ay disiplina sa sarili, hinahon at pasensya. Kung alam na may naninira, huwag pansinin dahil inggit ang dahilan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 36, 42 at Blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Hindi na kailangang lumayo upang maging masaya dahil ang tahanan ang siyang magdudulot nito. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 34, 37 at Red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at Violet.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at Indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at Maroon.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with