^

Kutob

Pebrero 20, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Salamat sa kabutihan ng Dios, bumubuhos ang pagpapala sa  panibagong araw ng buhay ko.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May pagbabago sa relas­yon o trabaho ang magaganap. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 17, 20 at Ruby Red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Walang dapat asahan ngayon kundi ang sarili. Ang sosyal na aktibidad ay makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig o sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 17, 23 at Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Suriing mabuti ang mga proposisyon bago sumang-ayon. Ang anumang transaksyong pang-personal o negosyo ay dapat isagawa sa umaga. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 40 at Metallic Green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Akyat-panaog ang sitwasyon sa pag-ibig. Iwasan pansamantala ang makipagtagpo o makipag-date sa kasintahan o minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 7, 17, 26 at Peach.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Haharap ka sa ala­nganing sitwasyon. Ang kumplikasyon tungkol sa salapi ay maisasaayos. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 24, 36 at Navy Blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang mag-alinla­ngan tungkol sa relasyon. Ang magtiwala ay kakambal ng tunay na pag-ibig. Hindi dapat magpadala sa sulsol o paninira ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 30, 40 at Red.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Ilagay sa tama ang gastusin, bayaran ang pinagkakautangan. Ang mga taong malapit sa kalooban at nakakatulong ay dapat pahalagahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 27, 41 at Indigo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Hanapin ang tamang paraan para mapagtagumpayan ang kasalukuyang negosyo o trabaho. Matatapos ang gawaing nasimulan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 27, 42 at Pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang kooperasyon sa trabaho o mga gawain ay aasahan ng mga kasamahan. Patungo sa tagumpay ang buhay kung pananatilihin ang kasipagan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 26, 27, 29 at Honey Yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag mabahala kung may mga pagbabago. Sa paraang mahinahon ang problemang kaugnay sa trabaho ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 29, 40 at Purple.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Daranasin ang kaligayahan kung pipirmi sa loob ng tahanan. Ang bagay na may kaugnayan sa pinansyal ay dapat bigyang pansin at wastong paraan sa paggamit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 18, 28 at Green.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Maitatawid ang anumang suliraning magaganap. Magkakaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Bigyang pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 18, 42 at Malachite Green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with