^

Kutob

Enero 31, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa lahat ng mga biyaya, magpasalamat sa kabutihan ng Dios. Magpasalamat din maging sa lahat ng pagsubok dahil pagkakataon itong lumago sa pana­nampalataya mo sa Kanya.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasang mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil magi­ging mabagsik at masungit ka ngayon. Iwasan ang mapagbiro at magngantiyaw ng tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Bagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twin flame. Kung isang Taurus o Sagittarius ang makikilala, hahantong sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kakapusan ng pera ang siyang suliranin subalit kung pagsisikapan na matugunan ng kaibigan o kamag-anak, mairaraos. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow. 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang pakikipaghuntahan o katamaran. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Disiplina sa sarili ang kailangan dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Magiging mapusok at kung hindi mapaglalabanan ay maglalagay sa iyo sa alanganing situwasyon. Pag-aralan at pag-isipang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posible na makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapa-init ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang pagbigyan. Lucky nunbers at color for the ay 16, 18, 29, 39 ay jade green.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky number at color for the day ay 4. 10, 16, 33 at pink. 

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Masuwerte ka sa ano mang uri ng negosyo kung makakapagsimula ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung ikaw ay freelancer.  Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang hindi pagkakaunawaan ay mahahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang buong pagkatao. Panahon na para humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad kung may nagkasala. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – May gantimpalang nakalaan sa pagbibigay ng tulong sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyo sibiko ay magiging pangunahin sa isipan at kung gugustuhin ay mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang gawaing hindi nagawa o napansin noon ay may daan para matapos ngayon, magiging malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Lucky numbera at color for the day ay 2, 7, 12, 27 beige.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat na dapat harapin ng buong tatag. Mag-isip at maging mahinahon sa anumang ginagawa na ng makaiwas sa pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with