^

Kutob

Disyembre 16, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng gawain ko ay iniaalay ko bilang papuri at pagpapasalamat sa kabu­tihan ng Dios sa akin sa bawat sandali.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magiging makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan ang magalit at mag-init ang ulo. Kaunting panahon na lamang ang kailangan upang matamo ang hinahangad kung itutuloy ang magandang gawi at gawain. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 36, 41 at fuschia.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nagtagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap, magsisimulang pitasin ang matamis na bunga. Sa mga walang tiyaga, walang sikap at tamad, hikahos ang daranasin. Kung hangad ang umunlad, magandang magsimula ngayon. Huwag pagka-abalahan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Iwasang maging malikot ang isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magandang ideya. Self-control ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine attraction at desire. Sa mga lalake, magiging malakas ang masculine desire at kung walang disiplina, baka mapahamak at magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 10, 13, 17, 24 at light green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Tag­layin ang hinahon ng pag-iisip dahil mapapasabak sa metal o pisikal na gawain. Huwag mag-atubili na ipakita ang kakayahan dahil kailangan ngayon. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan naman ang kapalit sa mga natapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 30, 37 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maaaring makatanggap ng balita mula sa  telepono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay. Nasa signos ang aksidente o disgrasya kaya iwasan ang dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 9, 37 at brown.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal kundi sa gawa at pag-unawa. Sikapin na matupad ang pangako sa minamahal. Mapapasakamay ang minimithing pag-ibig kung taos sa puso at malinis ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 25, 36 at dollar green.  

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad, a-absent sa pinapasukan o walang magagawang trabaho. Kung makapagtatrabaho, magiging maikli ang pasensiya at magiging mainitin ang ulo. Self-control, hinahon at pasensiya ang pairalin nang hindi makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 32, 37 at indigo.   

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismis. Maraming makabuluhang bagay ang naghihintay na dapat gawin. Kaligayahan ang madarama, matatapos ang mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 25, 37 at jade green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) –   Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali sa gawain o desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Ang pag-aalaga sa kalusugan ng magulang ay dapat bigyan ng panahon at pansin kung may karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Iwa­san ang mangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagka­tao na dapat hindi mapabayaan. Walang magiging­ dahilan para magkaroon ng abala sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 25, 36 at agate green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Iwasan ang maging matampuhin dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin. Kung taimtim ang dalangin, mapapawi ang suliranin at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa nagmamahal, magulang o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 15, 32 at emerald green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Dalawa ang mukha ng payo, may mabuti at may makakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikapin na mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 25, 36 at royal blue.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with