^

Kutob

Nobyembre 20, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Buo ang pag-asa ko para sa lahat ng bagay, dahil mahal ako ng Dios. Hindi ‘yun mababago.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ano mang bagay na dapat pagdesisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 42 at electric blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) –  Kaligayahan sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Maganda ang mood para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag ng kaligayahan at kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang lubos na pagpapasensiya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang mangako. Pairalin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mahalaga ang pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa paggawa. Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na mauulit. Magiging maunlad kung positibo ang nasa isip. May pagkakataon na mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsilbing aral. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at neon green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Matutuklasan ang gustong malaman. Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawa mong makumbinsi kahit na makulit o makitid ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at jade green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Ang munting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o mangungutang. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Capricorn ang makikilala ngayon, tiyak magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Mahalaga ang magtiyaga, maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 40 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa isipan. Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39 at fuchsia.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag ipagwalangbahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at sky blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

ISANG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with